Chapter 3: The Things I Hate About Him (Three)

20 0 0
                                    

Ang binabantayan ko ngayon ay si Wayne. Hinding hindi ko patatakasin itong lalaking ito. Dinidikitan ko talaga siya. Nang makita kong papunta sa kanya ang bola ay agad ko yung inagaw ngalang natakid niya ko buti na lang nasipa ko yung bola. Pero kaming dalawa ni Wayne, heto unti-unting bumabagsak sa isa'tisa.Pati yung salamin ko unti unting nalalaglag. Pagdikit ko sa lupa, nawala na yung salamin ko. Narinig ko nagsigawan yung mga kaklase ko may nakashoot yata.

Eto naman si Wayne nasa ibabaw ko pa din. Magkatitigan lang kami. Ramdam ko yunghininga niya. Walang gumagalaw sa amin.

"Wala ka bang balak tumayo?" tanong ko sa kanya, kaya agad naman siyang tumayo

Mabilis akong lumayo sa kanya. Hindi ko na siya nilingon. Ewan, kinikilabutan ako sa kanya.Nagulat ako nung niyakap ako nung apat.

"Bakit?" tanong ko, masayang masaya kasi sila

"Ano ka ba! Nanalo kaya tayo!" tuwang tuwang sabi ni bessy

Napatalon na rin ako. Biglang lumapit yung limang boys sa amin.

"A deal is a deal" sabi ni Nigel

"Tama. Simulan niyo na ang pagpili niyo sa magiging Master niyo." sabi ni Sheynah

Nag usap-usap na yung lima. Ng bigla kong maalala yung salamin ko. Hinanap ko yun sa buong field. Grabe wala. Nagulat ako nung lumapit sa akin si Wayne. 

"Here" nagulat ako ng makita ko yung salamin kong basag na

Kinuha ko iyon at bigla na lang umagos ang luha ko, simula elementary kasi ay kasama ko na itong salamin na ito

"I'm sorry" tapos iniabot niya yung panyo niya. 

"I don't need your handkerchief" sabi ko

"I insist" sabi niya

"I don't want to cry in front of you, lalong ayokong umiyak sa panyo na isang katulad mo!" sigaw ko sa kanya

"Ano bang problema mo sa akin?" sabi niya

"Ang problema ko? ikaw! Kasi you hurt Charlene!" sabi ko

"Bago ka sana magsalita, sana alamin mo muna ang tunay na nangyari!" sabi niya

"Bakit pa? Di ba pinagpalit mo ang bestfriend ko. No need to prove it, I see it in my own eyes." sabi ko

"Hindi lahat ng nakikita ng mata mo totoo kaya sana matuto kang pakiramdaman ang nasa paligid mo, para hindi ka masaktan katulad ko." pagkatapos ay umalis na siya

Naiwan akong na nakatayo lamang dito at nakatulala.

The Things I Hate About Him (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon