Katney's POV
"Ehem? si Wayne ang slave mo di ba?" sabi ni Sheynah
"Oo nga, and I don't care about it!" wala dun si Bessy kaya malakas ang loob ng mga ito eh
"And siya talaga ang pumili sayo, meron ba kaming hindi nalalaman dito?" sabi naman ni Bianca
"Oo, meron talaga" sabi ko habang sinara yung librong kanina ko pang binabasa
Naglapitan naman ang mga luka na parang isang top secret yung sasabihin ko
"Wag kayo magugulat ha, alam niyo kasi I love-" sabi ko
"I love?" sabi ni Sheynah at Bianca
"I love to sapakin kayo! Gusto niyo ngayon na!" ayun sinapak ko nga yung dalawa
"Grabe ka!" sabi ni Sheynah
"Yung totoo galit ka sa ulo ko no? Grabe mambatok? Close tayo?" sabi naman ni Bianca
"Eh sapakin ko kaya kayo uli?" sabi ko naman
"Ui joke lang kaw naman di mabiro" sabi ni Bianca
"oo nga naman, masyado kang seryoso ha, wag ganun magkakawrinkles!" sabi ni Sheynah
"Bahala nga kayo" sabi ko
"Pero teka? Ano nga sabing meron sa inyo ni Wayne!" sabi ni Bianca
"Wala kaming relasyon kasi hinding hindi ako papatol sa nanakit sa bestfriend ko" sabi ko
"Anong meron?" nagulat kami ng marinig namin ang boses ni Charlene
Napaupo kami ng ayos
"Ah wala yun? he he he?" sabi ni Sheynah
"Hmm, meron eh? ano yun?" sabi ni charlene habang umuupo
"Wa-wala yun Promise!" sabi naman ni Bianca
Patay talaga sa akin itong mga ito! Grabe!
"Weh? Dali na kasi.. Share naman!" pangungulit ni Charlene
"It's all about-" napatingin kami kay Patricia ng magsalita ito, syempre kami kabado sa sasabihin niya "-the things Bianca want Nigel to do for her!"
"O-oo nga,yun na nga yun, di ba Bianca? ha ha ha?" sabi naman ni Sheynah
Pagtingin namin kay Bianca,ayun namumula sa tabi, nga pala may crush si Bianca kay Nigel, kaya ganun.
Nagkatinginan naman kami ni Sheynah. I gave her a look na (patay-kayo-sa-akin-mamaya)
Si Charlene naman ay todo advice kay Bianca. MAbuti na lang at nalusutan namin yun.
Uwian na
Naglalakad kami ngayon ni Charlene papuntang sakayan ng jeep. Habang naglalakad kami, bigla siyang nagsalita
"Kumusta naman ang pagiging slave ni Wayne sa iyo?" it's sarcartic but she was smiling to me
"There's nothing nice about him?" sabi ko na lang
"You know, bessy, I wish that he choose me" napatingin naman ako ng bigla itong tumigil
Nagulat ako ng bigla itong tumalikod at tumakbo
"Bessy, una ka na, may nakalimutan pa pala ako sa school eh?" nawala na agad siya sa paningin ko
I feel sorry for her. Ano ba meron ka Carl Wayne at nagkakaganito ang bestfriend ko sa iyo
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa sakayan, medyo hapon na rin at pagabi na, may masasakyan pa kaya ako?
Isang oras na ko naghihintay ng jeep, wala pa ring dumadaan? Nangangawit na ko dito ah!
BINABASA MO ANG
The Things I Hate About Him (Ongoing)
Teen FictionPano kong mahulog ka sa taong ayaw na ayaw mo? Pano na?