The Hardest Decision: Part 1

88 1 0
                                    

THD~1

- - -

"Mahal ko siya pero mas mahal ko ang pangarap ko." ~KIEL

It's been three straight years since the last time I saw her. Tatlong taon na rin akong nasasaktan, hindi pa rin malinaw sa isip ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Sigaw ng puso ko, mahal ko siya pero nilalamon ng pangarap ko ang pagmamahal kung iyon para sa kanya. Oo, you heard it right. I love her, but my dreams keep separating us. Mahal ko rin ang pangarap ko. Ang pangarap kung maging isang..

PARI..

Hindi ko kayang isuko na lang iyon basta basta para sa kanya.

*flashback..

"Kiel, anak,sigurado ka na ba talaga sa gusto mong iyan huh?" si mama naman oh, ilang beses ng itinanong iyan sa'kin, niyayakap ko nalang siya ng mahigpit.

"Opo, siguradong-sigurado na'ko ma, magpapari ako. Dahil 'yun ang sinasabi ng Diyos, paglilingkuran ko siya" lalo namang hinigpitan ni mama ang yakap niya.

"Hay naku anak, kung 'yan ang gusto mo..susuportahan nalang kita" pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya ng kwarto ko at ako naman ay nagbihis na ng uniporme ko dahil may pasok pa kami. 4th year highschool pa lang ako noh. (^__^)

Binder, isang ballpen at ilang pirasong papel lang ang dala ko, byernes na naman ngayon at mostly quizzes day ito.

"Good morning po ma'am!" bati ko kay Mrs. nueva na nakasabay kung umakyat papuntang room namin. "Ako na po ang magdadala niyan para 'di na kayo mabigatan"sabay bitbit ko ng bag niya at librong dala.

"Naku hijo, salamat!" nanggigigil na sabi niya at dumiretso na nga kami sa room.

Naupo ako sa likod katabi ni Mirco, bestfriend ko at kasamahan sa simbahan. Isa rin siyang sakristan katulad ko, pero loko 'to! Trip niya lang daw kasing magsuot ng Sutana, 'yung suot ng mga sakristan. Hindi naman daw niya balak magpari kaya 'di niya sineseryoso. Adik talaga 'yun! sarap batukan nito. Para kasing binanastos niya ang Diyos sa ginagawa niyang iyan. Isa pa lang naman siyang Polohan o baguhang sakristan. Eh, ako.. Actually pa five years na ako bilang isang Sutana, 'yun bang naka all white na ang suot na sutana. Si Mirco naman dahil Polohan pa lang siya, 'yung puti na may pula sa laylayan pa lang ang suot niya.

"Uy Kiel 'di ako makakapagservice sa linggo ahh..may date kami ni Lyzza eh." Adik talaga (~__~) Pinagpapalit sa date ang paglilingkod sa simbahan. Ay bahala siya! Patawarin mo po ang kanyang pagkakamali Diyos ko.

Uwian na..

Pumunta ako sa Locker area para palitan ang suot kung sapatos. Pagbukas ko ng locker ay may nahulog na papel galing doon. Pinulot ko iyon.

Kiel,

 Alam ko na 'di mo ako gusto at kahit kailan ay walang pag-asa na maging tayo dahil sa pangarap mong magPari. Pero sana naman 'wag mo akong iwasan oh. Please, nasasaktan ako Kiel, Ang sakit sakit na. Mahal talaga kita at 'di ako titigil kahit pa magPari ka.

Ellie Mae

( _ _ ,) tsk. Ellie, Ellie.. ano ba'ng pwede kung gawin para tumigil na siya at sumaya na siya? Ayukong nasasaktan siya. Oo, ayukong nasasaktan siya dahil..

dahil noon pa man talaga pinangarap ko na siyang makasal sa akin, dahil noon pa man..

MAHAL KO NA SIYA.

Pero ang pangarap ko ngayon ang mas gusto kung tuparin. Tumugon lang ako sa pananawagan. Diyos na ang tumatawag sa'kin at paglilingkuran ko siya ng buong puso at kaluluwa.

*

Nasa simbahan ako ngayon, suot-suot ang sutana ko bilang sutana sakristan, inaayos ko itong mga nakalagay sa Altar. Marami-rami na rin ang mga tao dahil sa ilang minuto nala'y magsisimula na ang misa.

Yumuko ako ng makarating ako sa gitna ng altar ng Diyos at aking sinindihan ang mga kandila dahil nga magsisimula na ang misa. Yumuko ako ulit ng masindihan ko na ang mga kandila. Dahil bilang sakristan, ang pagyuko ay tanda ng paggalang sa Diyos.

Ilang minuto pa'y nagsimula na nga ang misa. Nandito ako sa kanang bahagi ng altar nakaupo katabi ng mga tagapagbasa ng Salita ng Diyos mula sa Bibliya. 'yung ibang sutana sakristan naman ay nasa kaliwa.

Napadako ang tingin ko sa mga tao sa baba na ang iba'y 'di naman talaga nakikinig sa misa. Ang iba'y nagtitext at ..

Nakita ko si Ellie, nakangiti sa'kin.

Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Oo, ganun talaga kapag nakikita ko siya.Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Kailangan kung pigilan ang sarili ko dahil 'di ako dapat na mahulog pa sa kanya kahit masakit at alam kung siya rin nasasaktan.

- - -

THD~2 UPNEXT

@ExoticLance

The Hardest Decision (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon