Kabanata 9

5 1 0
                                    



Kabanata 9

Kinabukasan araw ng sabado kaya wala kaming pasok. Nasa palengke ako ngayon dahil sinasamahan ko si mama mamili ng mga rekado sa lulutin niyang gulay mamayang tanghali. Sumama ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay. Wala sila kuya nasa bahay ito nila mateo kasama si zyrus dahil inaasikaso nila ang mga papeles na gagamitin nito para makapang-ibang bansa.

Nabalitaan ko sa kaniya kagabi na luluwas siya patungong America kasama ang amo nito na taga laguna. May work daw silang gagawin doon at malaking opurtunidad daw ito para sa kaniya lalo na dahil buntis ang asawa nito sa bunso nila. Mga isa o dalawang buwan daw ang itatagal nila doon.

Si jacob naman ay bumalik na sa hospital dahil kaylangan na daw siya doon. Hindi niya tuloy masusulit ang araw habang naandito po ang kaybigan nilang si zyruz.

Tinuon ko nalang ang paningin sa dinadaanan ko. Maraming mga  mamimili ang nagkalat sa palengke. May bumibili ng gulay, isda, prutas, manok at mga baboy. Tirik narin ang araw dahilan para mamantal ang balat ko, nakalimutan ko kasing maglagay ng lotion bago kami umalis. MAy dala naman akong payong pero mukang hindi iyon sapat panlaban sa araw dahil natatamaan parin ako ng sikat niyon.

Huminto kami sa tindahan ng mga gulay at namili siya sa mga naroon, sinusuri niya rin ang mga gulay kung may diperensya bago niya ilagay sa basket na dala dala niya.

Babae ang tindera na sa tingin ko ay limampu na ang ang edad. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong tinititigan niya ang mga pantal ko sa balat, napangiti naman siya ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya pilit naman akong ngumiti pabalik.

" 𝐍𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐢𝐣𝐚? 𝐛𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐦𝐢 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐭? " tanong niya dahilan para matigilan si mama sa pamimili at mapatingin ito sa'kin. Nagulat siya ng makitang puro pantal ang balat ko. Magsasalita na sana ako subalit naunahan niya ako. " 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐥𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐚𝐤? " nag-aalalang tanong sa'kin ni mama. Ngumiti ako sa kaniya kahit hindi na ako napakali kakakamot ng mga pantal ko. 

" 𝐍-𝐧𝐚𝐤𝐚𝐥𝐢𝐦𝐮𝐭𝐚𝐧 𝐤𝐨 𝐩𝐨 𝐞𝐡 " sabi ko, nakatingin lang sa'min ang tindera at maya maya pa ay nagsalita ito. " 𝐇𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐢𝐧 𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐢𝐣𝐚 𝐦𝐚𝐠 𝐩𝐚 𝐤𝐮𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐝𝐨𝐜𝐭𝐨𝐫 " hindi ko alam sa reaksyon ng muka niya kung concern ba siya sa mga pantal ko o nadidiri siya. 

" 𝐌𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐝𝐢𝐧 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐝𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢𝐲𝐚 " dagdag pa ng tindera dahilan para mapatingin sa kaniya si mama. " 𝐓𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐢𝐲𝐚? " kumunot ang noo ko dahil sa reaksyon ni mama, muka kasi siyang gulat na gulat sa sinabi ng tindera.

Mukang bago lang ang tindera na ito dahil ngayon ko palang siya nakitang nagtitinda dito sa palengke. " 𝐍𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐧𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐝𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐥𝐨𝐠 " kwento ng tindera, napansin ko naman na kalmado na ang reaksyon ni mama.

" 𝐌𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐧𝐚𝐢𝐢𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐦𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐨𝐨𝐛𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐚 " ngiti ng tindera kaya ngumiti nalang din si mama. Binigay na nito ang nabili
niyang mga gulay sa tindera at binilang na ito ng tindera kung magkano lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cursed By MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon