Kabanata 8

6 2 0
                                    

Kabanata 8

Nakahiga ako ngayon sa kama ng kwarto ko. Hating gabi na pero hindi parin ako makatulog. Pa'no kasi, hindi mawala sa isip ko 'yung tawanan ng kaklase ko dahil sa normal na sagot ko. Bakit kasi ganon ang tanong ng ashin na 'yon sa'kin??. Nagmuka tuloy akong isip bata sa mga kaklase ko, nakakahiya!!! 

Inalis ko nalang ang pag-iisip doon at dumungaw ako sa bintana. Napanganga ako ng makita ang malaki at bilog na bilog na buwan. Tuwing petsya ng semptember ayun ang petsya kung saan nagpapakita sa bintana ko ang buwan sa tuwing sasapit ang hating gabi.

Napatulala nalang ako sa buwan dahil ang ganda no'n, nakakawala ng stress. Tumingin ako sa pader ng kwarto ko kung saan nakasabit ang mga litratong buwan at napangiti ako ng makitang may space pa doon para lagyan ng panibagong litrato.

Dali dali akong nagtungo sa kabinet at hinanap ko doon ang camera na regalo sa'kin ni mama noong bata pa ako. Bigla akong kinabahan dahil wala sa kabinet ang camera ko, nagtungo ako sa ilalim ng kama ko at kinuha doon ang maliit na box pero wala din ang camera ko doon.

Halos mahalungkat ko na ang kasuluksulukan ng kwarto ko pero wala parin akong nahahanap na camera. Hanggang sa may naalala ako. Dala ko pala iyon ng gabing mawalan ako ng malay dahil sa pagkakabunggo ko kay ashin. Mukang nakali mama at papa iyon o'dikaya'y na kay kuya. Lumabas ako ng kwarto at tutungo sana ako sa kwarto ni kuya na malapit lang sa kwarto ko ng maalala ko na tulog na ito. Alam kong tulog narin sila mama at pala.

Kaya babalik nalang sana ako sa kwarto ko ng may maiisip ako.

Sampung minuto bago ako makarating sa dalampasigan. Gamit ko ang bisekleta ni kuya kaya napabilis ako ngayon. Sinandal ko na ito sa payat na puno ng niyog at nagtungo ako sa puno kung saan ako umuupo.

Tahimik ngayon ng dagat at kumikinang din ang tubig nito dahil sa liwanag ng buwan. Napangiti  ako sa ganda nito. Nakasuot ako ngayon ng puting bistida at may nakasabit din sa palikat ko na balabal na kulay itim. Habang ang buhok ko naman ay hinayaan ko lang na nakalugay.

Tumingin ulit ako sa buwan. Hindi talaga ito nakakasawang titigigan lahit keylan. " 𝐎𝐡, 𝐢𝐣𝐚 𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐦𝐨 𝐝𝐢𝐭𝐨? 𝐡𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐚 𝐚𝐡 "

nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likuran ng punong sinasandalan ko. Lumingon ako doon at nakita ko ang isang matandang lalaki na may dalang net, mukang mangingisda siya ngayon.

" 𝐀𝐡,𝐞𝐡, 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨 𝐚𝐤𝐨 " nakangiting tugon ko sa matanda. Ngumiti naman ito pabilik.
" 𝐌𝐚𝐬𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐝𝐢𝐭𝐨! " wika nito. Ngumiti naman ako sa kaniya dahil totoong masarap magpahinga dito lalo na kapag tanaw na tanaw mo ang buwan sa kalangitan.

" 𝐎𝐡, 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐬𝐢𝐠𝐞 𝐢𝐣𝐚 𝐝𝐢𝐲𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐧𝐚 " paalam nito. Hindi pa man siya  nakakalayo sa'kin ng bigla ko siyang tinawag. " 𝐌𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚 𝐩𝐨 𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨?" tanong ko. Tumango naman ito. " 𝐄𝐝𝐢 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐩𝐨 𝐤𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚? " tanong ko pa. Naguguluhan naman itong tumango ulit. " 𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐢𝐣𝐚? " naguguluhang tanong niya. Ngumiti naman ako bago magsalita. " 𝐏-𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐦𝐚? " napansin kong napaisip si manong sa sinabi ko.

" 𝐆-𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐤𝐨 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐢𝐬𝐝𝐚 " saad ko. Nawala na ang pag-iisip ni manong at nakangiti na ito ngayon.
" 𝐎𝐡, 𝐬𝐢𝐲𝐚 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐚 𝐢𝐣𝐚! " saad nito at nauna ng maglakad. Nakangiting sinundan ko naman siya.

Cursed By MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon