@Part 3 (chapter 3)

510 8 2
                                    

Pagtapos ko maligo ay bumaba agad ako at tsaka ko nagluto wala si Kiro sa baba.Siguro nag aayos sya ng gamit nya kaya may time pa ko sa preparation.

Sa taas kaya syang kwarto o sa baba? Ksi kung sa taas magkatapat lang kami ng kwarto.Katukin ko na lang yung sa baba.

Nung kumatok ako sa baba wala namang nasagot pagtingin ko naman wala pang masyadong gamit ibig sabihin mas pinili nya yung sa taas.

"Yes! Dinner is ready,Tawagin ko na nga si Kiro."

Tok.Tok.Tok

"Kiro,kakain na! Labas ka na dyan."

Pagbukas nya ng pinto nakabihis sya.

"Ikaw na lang ang kumain Miyaka,may gagawin pa kasi ako eh."

"San ka pupunta Kiro?"

"May kukunin lang ako sa office iuuwi ko naman dito kaya saglit lang ako.I lock mo na lang yung pinto may dala naman akong susi eh."

Hinde sya pwedeng umalis.Pano na lang yung hinanda ko para sa kanya at honeymoon namin ngayon.Kahit lang sana samahan nya ko dito.Hinde na nga sya pumayag na mag out of town kami eh.Ok lang yun sa akin.Kahit deep inside naiinis ako.

"Ganun ba?"Sayang naman yung effort ko kasi may niprepare ako for you eh.Hinde ba pwedeng ipagpabukas yan?" Hinde ko na hinintay yung sagot nya bumaba na lang ako at pinapak ko yung niluto ko.Syempre nakasimangot pa din ako.

"Bakit kaya hinde pa nababa si Kiro?Akala ko aalis sya?" *pout*

Biglang umupo si Kiro sa harapan ko at nagsimula ng kumain.Tapos nakapambahay na sya ngayon.Kaya pala sya natagalan.

"Akala ko aalis ka Kiro?"

"Pinadala ko na lang sa secretary ko yung mga kailangan kong ayusin."

"Ahh,ganun ba!Okay." Yehey.Di naman nya siguro mapapansin na naka smile ko dito kasi busy sya sa pagkain eh.

"Bakit?May dumi ba ko sa mukha?At tinatawanan mo ko?" Ang cold talaga nito ni Kiro.Pati pagtatanong ang cold.

"Ahh,wala naman.ang dami mo kasing nakain eh.Masarap ba yung luto ko?"

"Pwede na ding pagtiyagaan."

"Anooooooo ?PINAGTITYAGAAN MO LANG?Eh ang dami mo na ngang nakain eh."

"Gutom kasi ako.At tsaka pwede ba wag ka ngang sumisigaw."

"Ok.Hehehe.Sorry huh?"

Hinihintay ni Kiro yung secretary nya kaya naman sa sofa pa sya.Ako naman nag hugas ng pinggan.Susulitin ko na yung pinaghandaan ko.

"Kiro manuod muna tayo ng movie?Wala pa naman yung secretary mo eh.Please?" Nakatigin lang sya sakin.Sana pumayag sya.

"Ok!"

"Oh eto oh,ikaw na ang pumili dyan"Inabot ko na sa kanya yung mga cd syempre walang horror.Ayoko talaga nun eh.Puro comedy yung binigay ko sa kanya at may love story din naman .

"Oh ito oh,isalang mo na." Pagtingin ko horror movie yung napili nya.Bakit meron nito dito?Waaaaaaah!Hinde ko pwede ipahalata sa kanya na takot ako baka tamadin na sya pag hinde namin to pinanood.Dapat pala ako na lang ang pumili eh.

Iba pala yung naalis ko hinde pala yung hirror kundi yung isang comedy na parang nakakatakot yung picture.

Maya maya ay may nag doorbell.Nagprisinta na ko na ako na lang ang kukuha nung mga papers na pinadala nya sa secretary nya.Pumayag naman sya siguro feel na feel na nya yung movie na pinapanuod namin.

Pagkakuha ko ng folder na binigay ni Gina nagtagal ako ng konti bago bumalik sa sofa,nakipagchikahan muna ko kay Gina pero nagmamadali pala sya kaya ayun pag balik ko sa sofa busy pa din sya sa panonood.Ako naman umupo lang at pasimpleng pumikit.

"Nanonood ka ba?Bakit nakaoikit ka dyan?"Biglang tanong ni Kiro,nakatingin pala sya sa akin.My Gulay!

"Ahhh-Ehhhh -- Ano kasi pagod lang yung mata ko ang liwanag kasi nung ilaw sa tv." Waaaaaah!Mali yung palusot ko.Hinde naman maliwanag eh.Madilim nga eh.Nasa gubat yung characters.

Nakasimangot sya.Bigla na lang lumakas yung tv kaya nagulat ako at napatili.

"Aaaaaaaaaah. Grabe naman yun. Kiro ikaw ba naglakas ng tv?"

"Sound effect lang yun Mhia."

"Ahhh. Hehe . Ok. Manuod na ulit tayo.

Natapos na yung palabas. Ayoko na talaga manuod ng horror.

Matutulog talaga ko ng nakabukas yung lahat ng ilaw ngayon.

Kinuha na ni Kiro yung folder pagpasok nya sa kwarto tumakbo na din ako papasok sa kwarto ko.Bukas ko na aayusin yung kalat sa baba.

Hinde ako makatulog paikot ikot ako sa kama.Tapos may biglang tumunog sa labas ng bahay.Kaya napasigaw ako.

"Aaaaaaaaah!! Mommy. Napatakbo ako papunta sa kwarto ni Kiro."

"Ano?Anong nangyari Miyaka?" Naistorbo ko yata siya sa inaasikaso nya.Parang gulat na gulat si Kiro.Panindigan ko na to.Ayoko talaga mag isa ngayon sa kwarto.

"Kiro.Huhu. May tao sa labas ng bahay.May narinig ako.Huhu."

"Tsk.Yun lang pala.Wala lang yun matulog ka na.Alam kong pagod ka na."

"Pero.Ano ehh- Natatakot ako dun."

An: Pabitin Lang ng konti. Hello Readers :D

Napapansin Ko Na kayo. Dumadami na. Thankyou sa pagbabasa ng Storya ko. Nyehe . Muamua :*

Marrying The Bad Guy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon