@Part 2 (chapter 4)

453 7 5
                                    

After 1 week pauwi na daw sila Kiro . Hinde ko talaga muna sya papansinin.Promise ko yan 1 week ko syang di papansinin.Bahala sya.Basta ako gagawin ko muna lahat ng gusto ko.Bahala talaga sya sa buhay nya.

"Hello Ma'am ,nandito ulit kayo." Nakangiting sabi nung bar tender. Nasa bar ulit ako ngayon ang uwi ni Kiro kaya ayoko muna sya makita masama talaga ang loob ko sa kanya.

"Yeah. Alam mo na yung lagi kong inoorder" Nakangiti kong sabi sa kanya mabait sya at nakakausap ko naman sya ng matino,may itsura sya.Inabot nya agad yung lagi kong inoorder sa kanya.

"Wala ka pa ding balak umuwi sa parents mo huh?Kuya Lance?Alam mo ba na nakakamiss mag ka kuya! Okay lang ba na ikaw na muna ang kuya ko?" Sabay tawa ko.

"Oo naman Mhia.Ikaw pa.Wala pa kong balak umuwi eh.Trip ko talagang mag work eh." Sagot nya sa akin

"Nice. Idol na talaga kita Kuya Lance. Mayaman naman parents mo tapos ikaw mas gusto mo pang magpakahirap para kumita. Kuya Idol. Hahaha" Hanga talaga ko dito kay Kuya Lance ang sipag eh.

"Ikaw talaga Mhia.Kulit mo." Pagsabi nya nun ay may dumating na customer kaya inentertain nya muna yun.Ako naman nagmamasid lang sa mga taong nagsasaya.

Nagpaalam na din ako kay Kuya Lance matapos kong magpalipas ng oras binigay nya din yung number nya sa akin para daw pag may kailangan ako tawagan ko lang daw sya.

Pag uwi ko sa bahay nakita ko na bukas yung ilaw kaya alam ko na nandito na si Krukru. Naglagay ako ng earphone sa tenga at tinodo ko yung volume para pag nagsalita sya di ko madinig.Ready na ko pumasok.

Pag pasok ko nakita ko sya sa gilid ng mata ko na nasa kusina dumirecho lang ako paakyat sa hagdan medyo nahihilo na din ako eh.Medyo madami na din naman ang nainom ko pero wala talaga kong lakas ng loob para awayin sya pero di naman tama yun.

"Haaaay! Maliligo muna ko ang init sa pakiramdam." Nasabi ko na lang at tinanggal ko yung earphone sa tenga ko tsaka ko hinagis yung phone ko sa kama.

Pagtapos maligo nagbihis agad ako ng dress na pantulog ko at iniopen ko agad yung aircon.Humiga na agad ako.

"WOOOH! Ang sarap sa pakiramdam." Bigla na lang may kumatok at alam kong si Krukru yun.Kaya tumalikod ako sa pintuan naramdaman ko na nag open yung pinto.

"Hinde kita papansinin.Promise.Huhuhu." Mangiyak ngiyak na bulong ko.At nang marinig ko yung boses nya na tinawag nya yung pangalan ko.Napahikbi na ko.

"Mhia."

Di pa din ako humaharap.Ayoko sya makita Iiyak lang ako pag nakita ko sya.Ang tagal ko kaya sya di nakita.Kahit Miss ko na sya di ako haharap.Umiiyak na naman talaga ko eh.Huhuhu

"Mhia,Sorry kung di ako nakapagpaalam syo ng personal.Busy lang talaga ko.Umiiyak ka ba?Tsaka san ka galing?Pinapakamusta kita kay Gina pero di mo naman daw sinasagot yung tawag nya."

Di pa din ako humaharap sa kanya.Hinde pala sinabi ni Gina na tinanong ko kung kelan sya uuwi.Buti naman para makonsensya sya.

"Mhia,Alam kong gising ka pa.Kung nagtatampo ko babawi na lang ako next time." Pinaharap nya ko sa kanya at hawak nya yung balikat ko.Nakapikit pa din ako habang natulo yung luha ko.

Magkaharap na kami ngayon pero di ko pa din sya nakikita.

"My God!Mhia bakit umiiyak ka." Natatarantang sabi ni Krukru habang pinapahidan nya yung mukha ko.

"Uwaaaaaaah! Ikaw kasi Krukru eh ang bad mo kasi eh.Uwaaaaaaah.Di mo man lang sinabi na aalis ka,Wala kong kasama dito sa bahay.Mag isa lang ako.Huhuhu." Niyakap nya ko at hinagod yung likod ko.

"Sorry!Sana kasi umuwi ka muna sa inyo eh."

"Uwaaaaaaaah! Pinapauwi mo na ko sa amin.Ngayon naman ayaw mo na ko dito sa bahay."

"Hinde!Hinde! Ano ka ba Mhia,hinde ganun.Tumahan ka na.May pasalubong naman ako sayo eh."

"Talaga?Ano naman yun?" Tumigil na ko sa pag iyak kasi niyakap nya ko at pinakamusta nya din naman nya ko kay Gina kaya okay na yun.May pasalubong pa sya sa akin.Di ko talaga sya matiis.

"Oh eto oh!" Nilabas nya yung bracelet tapos sinuot nya sa akin.

"Wow ang ganda naman nito!Thank you huh?Sorry na din!"

"Haha.Okay lang. At huwag ka ng iiyak huh?Ang pangit mo kasi eh.Hahahahaha."

"Krukru naman eh!" Nakasimangot kong sabi.

"Joke lang! Kumain ka na ba?"

"Di pa ko kumakain krukru."

"Mhia,kumakain ka ba nung wala ako?"

"Ahhm.Diet ako eh.Hehehe."

"Mhia kahit wala kang kasama dito sa bahay magluto ka pa din at kumain ka."

"Kasi ano eh-ahhhm."

"Sa susunod kumain ka huh?"

"Ok po boss! Yiee. Krukru nag aalala sa akin." Kinikiliti ko sya sa tigiliran.

"Hinde ako nag aalala baka kasi pagalitan ako ng parents mo lalo na ni mamita."

"Yiieee.Eh bakit ka namumula?Hahahaha." Masaya na ko ngayon at nakita ko pa kung pano mataranta kanina si Krukru.Nakikilala ko na sya ng pakonti konti.At sana magtuloy tuloy na.

"Hinde nga! Tara na kumain na tayo!"

Pagtapos namin kumain umakyat na agad kami para magpahinga inaantok na din kasi kami eh.Pagod na din si Krukru.

------------

KIRO' POV

Buti pala bumili ako ng pasalubong sa kanya.Alam kong magtatampo sya eh! Nasabi din kasi sa akin ng Mamita nya na dumaan daw dun si Miyaka nung umalis ako at nag out of town.Malungkot nga daw si Miyaka. Kinamusta ko naman sya kay Mamita hinde nga daw okay.Alam ko na mahal na ko ni Miyaka dahil nararamdaman ko at sinabi din ng Mamita nya sa akin.

Nakikita nya daw na naghihirap ang kalooban ni Miyaka.Kahit 1 month pa dapat ako dun umuwi ako agad dahil napapabayaan na ni Miyaka sarili nya.

Kanina nung nakita ko syang umiiyak parang ang sakit sa akin.Ewan ko kung bakit ayokong nakikita ko syang umiiyak.

Kilala ko na si Miyaka.Mabilis kong nalaman yung parts nya dahil one time nung umalis sila Miyaka kasama barkada nya pumunta nga ang mamita nya.Mas kilalang kilala pa sya ng mamita nya.

Ang sabi sa akin ay mababaw nga daw ang luha nito,mabilis magtiwala,malambing,makulit,sweet din daw at mabilis masaktan.Matigas din daw ang ulo nito.

One time nga daw sa sobrang busy ng parents nya di na sya napapansin at sobrang sumama ang loob nya dito kaya naman kahit anong gawin ng parents ni Miyaka hinde daw makuha si Miyaka dahil talaga daw nagalit ito dahil lagi na nga lang daw wala ng oras ang parents nya sa kanya at pati birthday nya hinde na naalala.Hinde din daw mahilig sa party si Miyaka.

END OF KIRO'S POV

----------

Dito na lang muna :)

Sinipag lang mag UD.

Marrying The Bad Guy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon