Chapter 3: Feeling

6.5K 100 1
                                    

Nandito ako ngayon sa bookstore para mamili ng mga pandagdag na kailangan na school supplies at para bumaba ang init na nararamdaman ko sa katawan ko dahil sa mga nasaksihan ko kanina sa bahay.

Habang tumitingin ng mga libro, napatingin ako sa pigurang pumwesto sa gilid ko para rin tumingin ng libro. Pinagmasdan ko ang lalaki at biglang nakilala, si Ceddy na anak ni Aling Myra. Nakasuot kasi siya ng basketball jersey at walang salamin na suot. Normally, nakikita ko siyang nakasalamin dati pero ngayon parang nag-iba.

Sa sobrang tagal ko na siyang hindi nakikita eh napansin ko na ang laki na nang pinagbago niya. Yung dating kasing payat ko eh nagkaron na ng muscles, pumuti rin lalo ang kutis niya, at kuminis ang mukha. In short pogiiii kung ganito ang glow-up na binibigay ng college level eh excited na akong tumungtong ng kolehiyo.

"Hello Ceddy, tumitingin ka rin ng libro?" Pagsisimula ko ng usapan, kilala ko naman siya at di ko ugaling di mamansin lalo na kung kakilala ko at kakilala ako ng isang tao.

"Oo" maikling sagot niya.

"Ah eh wala ka bang pasok ngayon? Mukhang galing ka sa basketball ah" muli kong pagsubok na kausapin siya

"Wala" binalik niya na ang librong hawak niya at tumalid na saakin. Naiinis ako sa part na parang gusto niya agad tapusin yung usapan, ni hindi niya nga ako tinitignan.

"Ah Ceddy wait lang ma-" naputol ang sasabihin ko ng bigla itong humarap ulit ako nakaas ang makapal nitong kilay

"Ano? Nagmamadali ako, kung ano mang sasabihin mo, sabihin mo na" heto na naman siya sa pagsusungit niya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa tuwing kakausapin ko siya eh ganito ang pakikutungo niya saakin.

"Ah wala sige una kana" aayain ko sana siya Kumain para makipagkwentuhan kaso parang ayaw niya akong makasalamuha. Pakiramdam ko pati paghinga ko kinagagalit ng lalaking 'to. Tumitig lang siya saakin ng ilang segundo sabay buntong hininga at sinabing,

"Kumain kana ba?" Nagulat ako sa tanong niya. Nabasa ba niya ang nasa utak ko? Wth bakit siya nagtatanong?

"Ah ha? hindi pa, i-ikaw ba?" Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong tanungin ang lalaki.

"Hindi pa rin. Sumabay kana sa akin, may alam akong kainan malapit dito" tumalikod na siya pagkatapos niya 'yong sabihin kaya wala akong choice kundi ipa-punch na sa counter ang mga nasa basket ko. Kulang pa ang mga pinamili ko pero dahil ayoko siyang paghintayin eh nagmadali na ako. Sabi niya kanina nagmamadali siya pero inaya akong kumain, ang weird talaga ng mga tao ngayon.

Pagkalabas ko sa bookstore, nakita ko siyang nakasandal sa pader ng bookstore. Habang papalapit ako sa kanya at mas napansin ko ang malaking pagbabago sa kanya, gumanda talaga ang hulma ng katawan niya. Nang mapansin ko na nakatingin siya saakin ay ngumiti ako pero sinuklian niya 'yon ng irap. Wth

Nang makalapit ako ay tinanong ko siya kung saan kami kakain pero tinalikuran niya ako at sinabing sundan ko siya. Sinusubukan talaga ako ng lalaking 'to ang pasensya ko, pero dahil curious ako sa magiging kahihinatnan ng pagkain namin ay sumunod ako sa kanya. Nagmukha akong bata sa na binabantayan niya, kumapal kasi ang likod niya and given the fact na matangkad 'tong si Ceddy, mukha na siyang Tatay ko.

After 5 minutes na paglalakad, nakarating kami rito sa coffee shop. Ang cozy ng dating at parang mga sosyal yung mga nakadine in. Bigla akong nahiya kasi nakapambahay lang akong damit. Bwisit 'tong lalaking 'to.

Naglalakad na ako papupunta sana ako sa likod para maghanap ng mapagpupaestuhan kaso hinahawakan ni Ceddy ang braso ko.

"Teka saan ka pupunta?" Taas kilay niyang tanong saakin

"Ah maghahanap lang ako ng mapupwestuhan natin" sagot ko sa kanya

"Mamaya na dito ka muna, samahan mo ako pumila para alam mo kung ano yung oorderin mong drinks and food" hinatak niya ako sa gilid niya kaya naamoy ko yung pabangong ginagamit niya. Weird man pero nilapit ko yung ilong ko malapit sa tagiliran niya para masiguro kung siya ba ang nagmamay-ari ng amoy na 'yon

Itay Series #1: JaysonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon