Chapter 4: Practice

6.7K 100 5
                                    

Saktong 5:30 am ng matapos akong maghanda ng almusal. Hindi ko na muna ginising sila Inay at Itay pati ang tatlong natutulog sa sala namin. Si Kristela nalang ang ginising ko dahil balak ko siyang isabay sa pagpasok sa school. Dahil nakahanda na ang mga dadalhin ko sa school ay mabilis din ako nakakain at nakapagbihis. Sumilip muna ako ulit sa kwarto nila Inay at Itay, doon naalala ko ang nangyari ilang oras palang lang ang nakakaraan pero bago pa ako tamaan ng lib*g ay inaya ko na ang kapatid ko na pumasok na siyang nakaligo at nakabihis na rin. Nag-iwan nalang ako ng note sa lamesa na nagsasabing nakapagluto na ako ng almusal at pumasok na kami ni bunso sa school.

Nang maihatid ko ang kapatid ko sa school nila ay pumanhik na ako sa school namin, ilang hakbang lang naman ang pagitan ng school namin. Research and Philosophy ang subject ko ngayong Monday at dahil unang araw ng school week and boring ang mga subject ay inaantok talaga ako. Hindi ko namalayan na isang oras na ako nakatulala sa teacher namin na si Sir Jake.

Kung idedescribe ko si Sir, maiintindihan ako ng mga senior high at nakagraduate na sa senior high. Bata pa si sir mukhang nakagraduate lang, pero daig pa ang merong menstruation sa sungit. Araw-araw ang pagsesermon niya saamin tungkol  sa mga maling ginawa namin sa research. At ayaw na ayaw niya ang mga estudyante na hindi nagpapay-attention habang nagdidiscuss siya.

Sa pagkatulala ko, hindi ko namalayan na tumigil na pala siya sa pagsasalita at tumitig din saakin. Nabalik lang ako sa ulirat ko nang sundutin ng katabi ang tagiliran ko. Doon ko lang nakita na halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin saakin.

"Mr. Edan, I wonder if you're really paying attention to my class. Kindly tell how can researchers ensure the reliability and validity of data collected through online platforms, especially when conducting studies that span several years and involve global population?" Nagulat ako sa tanong niya, kahit siguro yung pinakamatalino sa room namin ay hindi yon 'masasagot. Pero yun ba dinidiscuss niya kanina?

"Ahm sir ano po dapat po gumamit ng mga ad--" hindi ko pa nasasabi ang hula kong sagot nang bigla na naman siyang nagsalita

"Language."

Hayst ang hirap naman, hinulaan ko na nga lang yung sagot, dapat pang i-express sa English. Sa pagkakataon na 'yon, umakyat na ang kaba sa dibdib ko at hindi ko na napigilang pagpawisan. Binaba ko nalang ang tingin ko at humingi ng pasensya Kay Sir Jake dahil hindi ko kayang sagutin ang tanong niya.

"Sorry, Sir, I am not sure about that question" paghingi ko ng paumanhin sa kanya

"Not sure about my question or you're just not listening to me at all? I expect you to come to my office after this class"

Umupo na ako at nahiya sa nangyari. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na napapalitan ako ng teacher pero iba kasi dating pag-English. Nakikinig naman ako sa kanya, nung unang part, kaso ang boring talaga, boring ang pagtuturo pati yung PowerPoint presentation boring din. Buong klase nakinig na ako kay Sir at nag susulat na rin ng notes para mapilitan ang sarili ko na magising at di mabagot pero sa tuwing mapapatingin siya sa saakin ay ako na ang umiiwas ng tingin. Naalala ko kasi ang pagkapahiya ko kanina.

Pagkatapos ng straight na tatlong oras, natapos na si Sir magturo. Naging hudyat na 'yon sa mga kaklase ko para magligpit ng gamit at pumunta sa labas para maglunch break. Habang ako? Kinakabahan dahil kailangan kong magpaliwanag sa office ni Sir Jake. Nauna siyang lumabas ng room namin habang ako, hinintay ko munang makaalis ang mga kaklase ko bago ako sumunod papuntang office.

Habang naglalakad sa hallway, iniisip ko na ang mga pwede niyang sabihin at mga alibi na pwede kong isagot. Pero sana naman pwede magtagalog, Filipino tayo tapos dapat mag-english pag nagsasalita.

Nang makarating ako sa harap ng pinto ni sir, binuksan ko 'yon agad pero hindi niya ata 'yon nagustuhan.

"Can't you knock?" Nakaas na kilay niyang sambit saakin

Itay Series #1: JaysonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon