Kabanata 2

147 8 7
                                    

Pagbabago ng Pagkikita

"True po ba?,weh?" Tanong ko pa at pinagmasdan
siya ng mabuti. Hindi ko kasi masyadong natandaan ang mga itsura nila,base sa libro. Pero napansin ko din ang pagtingin niya sa kamay kong nakahawak sa kaniyang mga kamay,agad ko din naman itong binitawan. Ayoko naman ma-issue hanggang dito.



"Hindi talaga kita maintindihan,binibini. Ang wika mo'y kakaiba,at ikaw ay. . . . . . . mestiza" Tiningnan niya pa ako muli,mula ulo hanggang paa bago sabihin yung huling sinabi niya. Kung hindi niya lang talaga ako tinawag na mestiza,iisipin ko jina-judge niya ako.


" 'e thank-salamat po sa inyong,ano nga ulit ang tagalog non?ahmmm. . . . .  umagahan. Lubos po talaga akong nasarapan,babush na po,alis na po ako!" Pagpapaalam ko sa kaniya. Hindi naman na ito nakapagsalita dahil nagtatakbo na ako palabas. Infairness,nakakatakbo pa din ako kahit naka-saya.


Paglabas ko naman ay lalo akong nawindang,yung mga structures at mga tao,lahat makaluma. Iniikot ko pa ang paningin ko,lahat talaga makaluma!. Ito ba yung sinasabi ni Ma'am Villarama na punishment?!. Baka bago pa ako makaalis dito,baliw na ako!.



Muka pa akong batang paslit na naliligaw dahil sa style ng paglalakad ko at pagtingin-tingin ko sa iba't-ibang bagay na nakikita ko. "Omg!,anong gagawin ko!pinagtitinginan nila ako!" Nasabi ko na lang sa isip ko ng makita ang kakaiba nilang pagtingin sa akin,baka iniisip nila nababaliw na ako!. 




"Miss! miss! Alam mo ba kung anong araw at taon ngayon?!" Humahangos kong tanong at lumapit sa isang babae. Medyo napalayo pa nga siya sa akin dahil sa patakbo kong paglapit. Nakalimutan ko nanaman!,bakit ko ba kasi siya tinawag na 'miss'? 'e hindi pa naman uso ang english language dito.

"Ahmm. . . . ngayon ay ika-sampu ng Disyembre,taong isang libo walong daan at pitumpu't isa" mariin naman akong napapikit. Sobrang helpless ko talaga ngayon. Umaga pa lang pero iniisip ko na agad kung saan ako matutulog mamayang gabi. Nagpaalam naman na sa akin ang babae at mahinhin na naglakad papalayo. Napagtanto ko tuloy na sobrang dugyot ko pala maglakad kanina.


Praning naman akong naglakad ulit. "Makakalbo ko talaga kung sinong nagdala sakin dito,hmp!"Inis kong sabi sa aking sarili. Nakakatakot naman kasi dito kahit. . . . . mukang payapa naman. Pakiramdam ko,kaunting pagkakamali,bibitayin na agad ako 'e.


"Binibini" tawag sa akin ng isang lalaki. Napatingin pa ako sa left and right ko para ma-assure kung ako ba talaga ang tinatawag niya,nakakahiya naman kasi kapag sumagot ako tapos hindi pala ako ang tinatawag.



"Ako?" Tanong ko pa at tinuro ang sarili ko. Bahagya naman siyang lumapit sa akin "Oo ikaw nga,isa ka bang ¿mujer libre? (babaeng bayaran)" Eto nanaman tayo sa español 'e!.  Gulong-gulo na nga ako,lalo pang pinapagulo ng mga languages nila!


"Ahmm-" sasagot na sana ako sa lalaki pero may biglang sumabat na babae "tigilan mo siya ginoo,hindi siya ganoong klaseng babae" napatingin naman ako sa babaeng nagsalita para mag thank you,jusko kung wala siya,baka kung ano ng ginawa sa akin ng lalaking 'to. Disente ngang tingnan pero muka namang pervert!.

"Ma'am Villarama?!" Gulat kong tanong sa kaniya matapos ko siyang makita. Buti na lang umalis na yung lalaki kasi I can assure na iisipin non sobrang dugyot ko. Hindi naman kasi ganito kahinhin ang mga babae sa modern world!.

"Na-stuck din po ba kayo dito?,nako! same lang tayo ma'am!. Paggising ko din boom!andito na ako bigla!,nakakaloka!" Bahagya naman itong napatawa,hindi ba siya kinakabahan na nandito kami?,ako nga halos mabaliw na 'e! ,bakit siya mukang chill-chill lang?.


"Sino bang nagsabi sayo na na-stuck ako dito?,huy!ikaw lang" Prente nitong sabi sa akin. Ako naman ay tila inagawan ng candy dahil sa expression ko. Para akong nalugi tapos nagulat. Is she time traveler?.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Todo De NuevoWhere stories live. Discover now