Ano ang "Agaran"?
Ang ibig sabihin ng agaran ay napupunta agad ang kuwento sa punto nito. Nais naming maging invested agad ang mga mambabasa sa unang kabanata pa lamang. Ang iyong unang kabanata ay dapat magbigay sa kanila ng patikim ng karanasan sa pagbabasa na makukuha pa lamang nila.
Simula sa Kabanata 1, dapat isipin ng iyong mambabasa "ito ang rason kung bakit ko sinumalan ang kuwentong ito." Paano mangyayari ito?
Ilagay ang hook sa unang kabanata. Ang hook ay ang pinakaunang mahalagang pangyayari sa iyong kuwento na nagdidikta sa tono, nagtatatag sa mga karakter, at nagbibigay sa mambabasa ng isang bagay na maaari silang mag-invest.
Ang matagumpay na hook ay emosyonal, espesipiko, at nagtatatag ng mga stake at tono ng kuwento. Ito ay ang mga high-tension at high-emotion na mga pangyayari na agad na nakakukuha ng interes ng mambabasa at nangangako sa kanila ng isang klase ng karanasan sa pagbabasa. Simulan ang iyong kuwento sa isang pangyayari na high tension, high action, high emotion, o lahat ng nabanggit.