Gawing Nakaeengganyo ang Iyong Kuwentong Wattys Gamit ang Tunggalian at Tensyon

287 12 1
                                    

Ano ang ibig naming sabihin sa "Nakaeengganyo"?
Naghahanap ang Wattpad ng mga kuwentong Agaran, Nakaeengganyo, at Komersyal. Ano ang ibig sabihin ng "Nakaeengganyo"?

Ang ibig sabihin ng nakaeengganyo ay nakukuha ng iyong kuwento ang atensyon ng iyong mambabasa at napapanatili ito. Ang bawat pangyayari sa isang Nakaeengganyong kuwento ay nagpapasulong sa aming pang-unawa sa mga karakter o sa plot, at iniiwan kaming magnais ng higit pa. Ito ang nagagawa sa pamamagitan ng Tunggalian at Tensyon.

Pag-intindi sa Tunggalian
Ang Tunggalian ay ang problemang pinag-uusapan sa kuwento. Ito man ay tungkol sa pagpapabagsak sa isang evil wizard o pagtatagumpay sa mga nakaraang karanasan upang makahanap ng pag-ibig, hinuhulma ng tunggalian ang mga pangyayari sa kuwento. Ang tunggalian ay kadalasang resulta ng interaksyon sa pagitan ng Layunin ng pangunahing tauhan (ang bagay na na ninanais nila o sinusubukang makamit) at mundo ng kuwento na hinulma ng nakauudyok na pangyayari.

Paggamit ng mga Cliffhanger
Ang mga cliffhanger ay isang mahusay na paraan upang gawing Nakaeengganyo ang iyong kuwento, anuman ang uri ng tunggalian o laki ng mga stake.

Kapag iniisip natin ang mga cliffhanger, kadalasang iniisip natin ang mga life or death na pangyayari sa kuwento, ngunit hindi iyon ang tanging paraan upang gawin ang mga cliffhanger. Ang bawat kabanata ay maaari (at mas mabuti na!) magtapos sa isang klase ng cliffhanger, ngunit ang palaging paggamit ng mga life or death cliffhanger ay maaaring magpamanhid ng mga mambabasa sa kuwento.

Ang ibig sabihin ng epektibong cliffhanger ay pagputol sa kabanata bago ka matapos sa kahihinatnan ng Peak.

Writer TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon