Prologue

486 12 1
                                    

Prolugue

Sa Mundong puno ng hiwaga at majica ay may isang namumukod tanging Prinsipe sa lahat ng Prinsipe, mayroon siyang lakas ng isang Dyos at may angking kagandahan ng mukha at katawan na kung titingnan at isang Dyosa sa sobrang ganda.

Lahat ng mga tao sa Mermaid Kingdom ay nais siyang makita dahil sa angking kagandahan niya pero hindi siya isang Prinsessa kundi isang Prinsipe at Prinsipe siya ng Mermaid Kingdom. Sa Mermaid Kingdom ay marami ang naiinggit sa kanya dahil lahat ng mga kalalakihan ay nagkakagusto sa kanya, kaya marami ang nagagalit sa kanya na kapwa niya Serena at sereno.

Ang Mundong yun ay tinatawag na Velaris World at mayroon itong Limang Palasyo, una ay ang Mermaid Kingdom dito nakatira ang mga malalakas na nilalang na mga serena at sereno, pangalawa naman ay ang Wolf Kingdom dito naman nakatira ang mga taong Lobo, Pangatlo naman ay ang Vampire Kingdom dito naman nakatira ang mga bampira at ang pang-apat naman ay ang Fairy Kingdom dito naman nakatira ang mga Diwata, Pang-lima naman ay ang  Dark Elemental Kingdom dito naman nakatira ang mga masasamang nilalang.

“Mahal na Reyna, Mahal na Hari nagkakagulo po ang lahat!”—saad naman ng Heneral ng Mermaid Kingdom.

“Huh? Bakit?”—tanong naman ni Queen Lyra.

“Dumating po ang kapatid niyo at nagkakaroon ng pagaaklas laban sainyo!”—saad naman ng Heneral.

“Anak, Ariel tumakas na kayo!”—saad naman ni King Jameson.

“Po? Bakit po? Lalaban po ako kasama niyo!”—saad naman ni Ariel.

“Hindi ka pwede mapatay ngayon kaya tumakas kana dahil mahina anvg majica natin ngayon dahil sa pagkasira ng Mother Pearl kaya tumakas kana at iligtas mo ang sarili mo”—saad naman ni King Jameson kay Ariel.

“Hanson sumama kana din, alagaan mo ng mabuti si Ariel!”—saad naman ni Queen Lyra.

“Makikita ko pa po ba kayo?”—tanong naman ni Ariel sa mga magulang niya.

“Kapag nabuo na ang Mother Pearl ay babalik kami, pero ngayon tumakas kana muna!”—saad naman ni King Jameson kaya naman ay niyakap ni Ariel ang mga magulang niya bago sila umalis ng Mermaid Kingdom.

Sa kanilang pagkawala ay sakto naman ang pagdating ng kapatid ni Queen Lyra at nang makita nito ang Hari at Reyna na nakaupo sa trono.

“Anong ibig sabihin nito?”—tanong naman ni Queen Lyra.

“Hindi mo ba nakikita Lyra, kinukuha ko na ang trono mula sainyo!”—saad naman ni Wade ang kapatid ni Queen Lyra.

“Hangal, ako ang pinamanahan ni Ama ng tronong ito kaya walang sino man ang pwedeng kumuha nito sa akin!”—saad naman ni Queen Lyra.

“Hahahah, wala ka nang mga kawal ohhh, lahat nasa panig ko na kaya ano pa ang ipapanlaban mo sa akin?”—tanong naman ni Wade.

“Marahil nakuha mo nga mga kawal at mga Heneral namin at itong tronong ito pero isa lang ang di mo makukuha yun ay ang respeto ng mga Sereno at Serana!”—saad naman ni Jameson.

“Manahimik ka Jameson!”—sigaw ni Wade at inatake si Jameson pero sinangga lang ito ni Jameson.

“Hulihin sila!”—saad naman ni Wade sa mga kawal.

“Walang sino man and pwedeng humuli sa aming dalawa!”—sigaw ni Queen Lyra at naglabas ito ng malakas na pwersa ng tubig kaya naman ay tumilapon sina Wade.

Ikinumpas naman nina Queen Lyra at King Jameson ang kamay nito at lahat ng mga tao sa Mermaid Kingdom ay naramdaman nila ang pagmamahal na ibinigay sa kanila nina King Jameson at Queen Lyra pati si Ariel ay nakaramdam din kaya naman ay napaluha ito sa kanyang kinauupuan dahil alam niyang pansamantalang mawawala ang kanyang mga magulang.

Sa puntong yun ay nawala na nga sina King Jameson at Queen Lyra at pumasok sila sa mga sirang bahagi ng Mother Pearl.

Sinalo naman ni Hanson ang mga luha na pumapatak mula sa mga mata ni Ariel at kapag bumabagsak sa kamay niya a ang luha ni Ariel ay nagiging Perlas ito at ang gaganda ng mga perlas.

“Wag kana po malungkot, babalik din po ang mga magulang mo!”—saad naman ni Hanson lay Ariel.

“Alam mo bang ngayon lang kami magkakahiwalay ng mga magulang ko!”—saad naman ni Ariel.

“Alam ko po yun pero kailangan po nating magpatuloy sa buhay nang tayong dalawa lang dahil tayo nalang po ang magkasama kaya kahit medyo maliliit pa tayo ay kailangan po nating magsumikap sa buhay!”—saad naman ni Hanson.

“Tama ka Hanson, kailangan nga nating magsumikap nang tayong dalawa lang!”—saad naman ni Ariel.

Samantala sa Mermaid Kingdom naman ay nakuha nina Wade ang trono at sila na ang Hari at Reyna ng buong Mermaid Kingdom.

Pero di naging masaya ang mga serena at sereno dahil alam nilang malupit ang kapatid ni Queen Lyra pero wala silang magagawa kundi ang sumunod sa pamumuno ni Wade.

🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹

🔱🔰🔱🔰🔱CHARACTERS:🔱🔰🔱🔰🔱

⚜️⚜️⚜️⚜️God’s & Goddess⚜️⚜️⚜️⚜️

>God Angelo & Goddess Sabrina – The Supreme God & Goddess.

>God Maro & Goddess Myra- The God & Goddess of Mermaid.

>God Miller & Goddess Cecilia-The God & Goddess of Wolf.

>God Nikolai & Goddess Rhea- The God & Goddess of Vampire.

>God Nolan & Goddess Elea- The God & Goddess of Fairy

>God Eros & Goddess Nebula-The God & Goddess of Dark Elemental Kingdom.

🔹🔹🔹🔹🔹Kings & Queens 🔹🔹🔹🔹🔹

>King Jameson & Queen Lyra-From Mermaid Kingdom.

>King Jasper & Queen Elaine- From Wolf Kingdom.

>King Jaxon & Queen Clara-From Vampire Kingdom.

>King Hector & Queen Sophia-From Fairy Kingdom.

>King Ronald & Queen Belinda-From Dark Elemental Kingdom.

🔹🔹🔹🔹Prince & Princess 🔹🔹🔹🔹

>Prince Ariel- Prince of Mermaid Kingdom.
>Prince Vince – Prince of Wolf Kingdom.
>Prince Ashton - Prince of Wolf Kingdom.
>Prince Damian – Prince of Vampire Kingdom.
>Princess Danaya – Princess of Vampire Kingdom.
>Princess Zoey – Princess of Fairy Kingdom.
>Prince Mark – Prince of Fairy Kingdom.
>Prince Ezekiel – Prince of Dark Elemental Kingdom.
>Princess Melissa – Princess of Dark Elemental Kingdom.
>Prince Max – Prince of Mermaid Kingdom(Cousin of Prince Ariel).
>Princess Aqualina – Princess of Mermaid Kingdom(Cousin of Prince Ariel).

🔹🔹🔹🔹Other Characters🔹🔹🔹🔹
>King Wade & Queen Aira – From Mermaid Kingdom(Uncle & Auntie of Prince Ariel).

>Hanson – Gay Best friend of Prince Ariel(From Mermaid Kingdom).

>Ashley – Girl Best friend of Prince Ariel( From Fairy Kingdom).

🔰🔰🔰🔰End of Prolugue💠💠💠💠

😍❤️😍❤️😍❤️Enjoy Reading Guysss & Stay Safe Everyone😍❤️😍❤️😍❤️

The Legendary Prince of Mermaid Kingdom(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon