Chapter 6

171 7 0
                                    

Vince POV

Si Prince Ariel pala tong tao nato, ayon sa mukha niya di niya deserve ang masaktan dahil lang sa pagibig ang tanga naman ni Damian dahil nasa kanya na sana si Prince Ariel, nagawa pa niyang paglaruan ang puso ni Prince Ariel.

“Prince Vince okay na po siya, kailangan niya lang po magpahinga!”—saad naman ng Healer na gumagamot kay Prince Ariel.

“Kawal dalhin mo si Prince Ariel sa aking silid, pakisabi nalang kay Daddy na nasa kwarto ko si Prince Ariel!”—saad ko naman sa Healer na gumamot kay Prince Ariel.

“Cge po!”—saad naman ng Healer kaya naman ay naglaho na ako at nang lumitaw na ako ay nandito na ako sA loob ng kwarto ko at maya maya pa nga ay dumating na din ang mga kawal na inutusan kong buhatin si Prince Ariel.

Inihiga naman nila ito sa kama ko at lumabas na ang mga kawal, di ko siya binuhat papunta dito sa kwarto dahil baka isipin niya sinasamantala ko ang pagkawala ng kanyang malay.

Kaya ko lang siya dinala dito sa kwarto para siguraduhing ligtas siya, mahirap na kasi baka lapain siya ng mga lobo dito ang bango bango pa naman niya.

Nahiga naman ako sa tabi ni Prince Ariel at kinumutan ko ito baka kasi lamigin ehhh pagkatapos kong kumutan siya ay natulog na ako.

⚜️⚜️⚜️⚜️Hanson POV⚜️⚜️⚜️⚜️

Nandito ako ngayon sa Field ng Academy at nagaalala ako kay Prince Ariel at baka kasi kung saan na siya nakarating ngayon at kung okay lang ba siya ngayon.

“Hanson, baka pwede mo namang pakiusapan si Prince Ariel na bawiin na ang mga binitawang salita niya laban sa akin!”—saad naman ni Damian.

“Ang kapal naman ng mukha mo, sa tingin mo ba babawiin yun ni Prince Ariel? Kilalang kilala ko si Prince Ariel dahil magkasama na kami simula pa nung maliit palang kami at base sa pagkakakilala ko sa kanya kapag nasaktan siya di siya marunong magpatawad kaya magdusa ka!”—saad ko naman.

“Kapag may nangyaring di maganda kay Prince Ariel, malalagot ka sa akin!”—saad ko pa.

“Wala akong pakialam kung anak kapa ng Hari at Reyna ng Vampire Kingdom!”—saad ko pa.

“Kuya binalaan na kita noon pero di ka nakinig kaya ayan ang napala mo!”—saad naman ni Princess Danaya.

“So alam mo na mangyayari ito? Bakit di niyo sinabi sa ami?”—pasigaw kong tanong.

“Pasesnya kana Hanson pero di ko kayang suwayin ang utos ng kapatid ko!”—saad naman ni Princess Danaya.

“Alam mo Danaya napakaduwag mo dahil lang sa utos ng bugok na ito natatakot kang suwayin, alam mong may masama ang binabalak ng kapatid mo pero hinayaan mo lang na gawin niya yun!”—saad ko naman.

“Wag mong pagsasalitaan si Danaya ng ganyan isa kalang namang alipin!”—saad naman ni Damian.

“Owwwsss talaga?”—tanong ko naman.

“Sino ka para sabihan ang anak ko ng isang alipin?”—tanong naman ni Daddy.

“God Maro, Goddess Myra, God Angelo?”—tanong naman nilang lahat.

“Oo kami nga at di ko nagustuhan ko ang binitawan mong salita sa anak ko!”—saad naman ni Daddy.

“Anak niyo po si Hanson God Maro?”—tanong naman ni Damian.

“Oo tama ka Damian kaya hindi siya isang basta lang na alipin dahil mas mataas ang dugo niya kesa sa inyo kaya magdahan dahan ka!”—saad naman ni Daddy.

“Nandito ako para bigyang basbas ang mga binitawang salita ni Ariel kaya humanda ka!”—saad naman ni God Angelo.

“Ako si God Angelo ang Supreme God at binibigyan ko ng basbas ang mga binitawang salita ni Ariel, simula sa araw na ito ay magiging makatotohanan ang mga binitawang salita ni Ariel at si Ariel lang ang  pwedeng bumawi sa mga binitawan niyang salita kung gugustuhin niya!”—saad naman ni God Angelo.

The Legendary Prince of Mermaid Kingdom(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon