Prologue

8 0 0
                                    

Warning: this story contains mature scenes, curse words and mature Topics. if you're not comfortable with it, you may stop reading this. Thank you.







:>

























"ay nakauwi na rin si ate mo" sabi ni Gracie

she has been my best friend ever since grade school, like were really inseparable.

"sorry na, traffic sa EDSA eh" sabi ko habang tinatangal ang sapatos ko at inilagay sa lalagyan ng mga sapatos. 

nasa condo ko ngayon kami medyo malaki kaya maraming space, galing ako sa labas at nag drive thru tutal galing na rin naman ako sa airport at sakto tumawag si Gracie at gutom daw sya kaya nag drive thru na ako ng Burger king. naupo na ako sa sofa at inilagay ang bag ko sa tabi ko.

"ito na burger mo senorita" saad ko at inilagay ang pagkain sa maliit na table sa may Sala

"ihhhh mahal mo talaga ako, kahit pagod na pagod ka na dahil sa mga flights mo, alam mo kung lalaki ka lang jinowa na kita" saad nya saakin at naupo sa tabi ko at hinalikan ang pisngi ko. ew.

"OA mo, syempre pag di kita binilhan magtatampo ka na naman kaya hirap ka mag ka boyfriend eh" saad ko at binatukan nya ako.

"aray! para saan yun" sabi ko na may halong inis.

"nagka boyfriend naman ako, sadyang di lang nag work!" saad nya at kumagat na sa burger nya.

"jusko kung sex can take you to heaven, pagkain rin kaya kang dalhin dun!" saad nya habang ngumunguya.

"don't talk when your mouth is full" sabi ko sa kanya at kinuha ko na rin ang burger ko at kumain na rin, nakita ko sya uminom ng coke at mukhang may sasabihin saakin dahil humarap sya sakin.

"ano, sabihin mo na" saad ko at nakatingin sa TV at nanonood ng Elemental yung sa disney plus.

"so kailan ulit flight mo" tanong nya saakin

"wala pa naman, at kakauwi ko lang galing Korea parang gusto mo na ulit ako umalis" saad ko at tumingin sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

"hoy! hinde naman, miss na miss nga kita eh!" sabi nya saakin at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko at patuloy na kumain. parang bata hay.

"bakit ba?" tanong ko at umupo na sya ng maayos

"si Elyse kasi nagyaya ng inuman sa bar nya, sama tayo! hmmm" sabi nya saakin at parang nag puppy eyes pa

"ayoko, marami akong aasikasuhin" saad ko at uminom ng coke ko at nakita ko syang masama tingin saakin

"alam mo dati sating Lima ikaw ang party goer ngayon nung tumanda ka ayaw mo na! minsan na nga lang tayo mag bonding ulit eh, kaya sige na please!" sabi nya saakin at yinugyog ng yinugyog ang kamay ko.

"pre, noon yun college tayo nun, iba na ngayon" sabi ko sa kanya at pinisil pisil ang pisngi nya.

"kahit na, dapat nga ineenjoy natin yung pagiging twenties na tin, at may mga trabaho na tayo" sabi nya saakin at yumakap

"hay kailan ba ako mananalo sayo, sige na sige na, kailan ba?" sabi ko sa kanya at tumayo at tumalon talon.

"yesss! Inom time, and Landi time!" sigaw nya at tinignan ko lang sya at napailing na lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sky that gives me PeaceWhere stories live. Discover now