Chapter NINE

19 2 0
                                    

Matapos ang mga fifteen minutes na byahe ay narating na rin namin ang sinasabi nilang lake. Medyo may kalayuan naman yung lugar kaya lang ay kung kayo ang sumakay sa mga kasama namin na kung magdrive ay parang nasa race track lang ay iwan ko ba kong sasakay pa kayo ulit.

"Oh my God! Salamat naman at nakatapak pa ulit ako sa lupa. " unang sambit ni Anne pagkababang-pagkababa.

"Aray! Sakit ng tagiliran ko talaga. " reklamo niyang nakahawak sa tagiliran niya sabay ngisi sa akin. Inirapan ko lang siya.

"Bakit naman? " tanong ni Arie. Nagkumpulan kaagad kami sa tabi. May hinihintay pa yata.

"Eh kasi panay kurot ni Khullin. Ikaw na mag drive pabalik ha! " wika ni Jhan sa akin nakangisi pa rin. Parang may sayad to.

"Oo ako magdadadrive eh nuh! Baka hindi na tayo makabalik. At paano ba naman kasi nagpapasikatan kayo. Si Gio lang yata ang di sumali sa kabaliwan nyo. " singhal ko sa kanya at umupo sa malaking puno na natumba.

"Of course Khullin, mabait yata to. Tsaka takot ko lang kay Magie, baka sapakin ako." Sagot agad ni Gio na kabababa lang ng sasakyan.

"Okay lang yan Khullin. Ang cool nga eh! " simpleng sabi ni JP na wala man lang expresyon ang mukha.

"Anong "cool" dun eh halos pariparin mo yung motor mo, parang feeling mo nasa motocross ka. " inis rin na sigaw ni Anne kay JP. Nagkamot lang ng ulo ang huli.

"Maglalakad nalang ako pauwi kung ganyan kayo! " reklamo rin ni Mae na tumabi sa akin. Tumango ako sa sinabi niya.

"Sus! Eto naman, ang bagal ko nga lang magpatakbo eh." Sarkastikong wika ni Ram sa tabi ni Gio. Actually lahat yata kaming mga babae may reklamo sa kanilang pagdadrive.

"Ahh so, mabagal pa yon sayo, muntik na nga akong masuka eh. " sarkastikong komento rin ni Arie.

"Eww. " tanging sabi ni Ram tsaka nag smirk.

"Shh, tama na nga yan. Pumasok nalang tayo sa loob." Saway ni Anne baka saan na naman mapunta ang usapan.

"Mauna na kayo dun sa may pinakaloob may mga cottages doon sa tabi ng lake, babayaran ko muna ang kukunin nating cottage. " sabi sa amin ni Gio. Tamad naman kaming tumayo para pumasok na sa loob ng mahalata kong kulang kami.

"Wait! wala pa sila Pat. " pasigaw kong sabi.

"Asan na? nakasunod lang yong mga yon kanina eh." Sabi ni JR na tinitingnan ang entrance. Tumigil din naman ang iba sa pagpasok.

Bumalik nalang ako sa inuupuan ko kaninang puno.

"Gawin nyo ba namang race track ang daan. " singit ni Abby.

"Hintayin na muna natin bago tayo pumasok. " suggestion ni Gio.

Umupo muna ang iba doon sa malaking kahoy na natumba sa harap ng malaking signboard na kahoy na may naka-ukit na "Welcome to LAKE DANAO PARK".

Yung mga girls naman ay kumuha ng picture sa paligid at pati boys pinag tripan. Aayaw-ayaw pa nung una magpakuha ng picture pero pumayag na rin kalaunan.

Maya-maya lang ay dumating na sila Pat na nakangisi habang si Arl at Migs ay parang badtrip.

"Oh, anong nangyari? " tanong agad ni Magie sa nakangisi paring si Pat sabay tingin sa dalawang nakasunod.

"Eh ang bagal magpatakbo eh, ang init-init pa sa daan. Sinabi ko namang ako nalang ang magdadrive ayaw naman niyang pa-sub. " reklamo ni Migz na tumabi sa pag-upo sa akin.

"Eh bakit ba, badtrip ako eh. " sagot naman ni Pat sabay tawa ng malakas.

"Yan ba yung badtrip o napag tripan mo sila? " tanong kong natatawa rin. Inirapan lamang ako ni Migz.

Just US: HEARTBREAKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon