I know that this is a platform for stories but I need to vent all my feelings. Lahat ng nararamdaman ko ng oras na ito kasi wala akong masabihan.
Kung pwede ko lang i-rewind ang oras, na hindi mo na lang ako nakilala. Akala ko makakatulong ako sa'yo pero napasama pa nung nakilala mo sa akin.
Wala akong intensyong masama sa'yo. Kung pwede ko lang bawiin lahat-lahat ng nagawa ko. Sana alam mo na never ko naisip na gumawa ng masama against sa'yo kasi ang laki ng utang na loob ko sa'yo.
Ikaw yung andyan sa tabi ko nung panahong down na down ako. Sa'yo ko sinasabi lahat ng problema ko, celebrations, plano ko sa buhay at kahit maliliit na detalye ng araw ko.
Na lahat ng problema mo, handa akong tumulong kahit maubos ako. Kung alam mo lang, kung alam mo lang talaga.
Kung pwede ko lang bawiin yung ginawa kong aksidente. Kung pwede ko lang bawiin yung nag-sync na post na hindi para makita ng marami.
Dito ko na lang sasabihin, hindi totoo yung post na yun. Hindi akin yung kotse niya, kanya yun. Hindi totoo lahat ng sinabi ko, from kotse hanggang sa nangyari nung araw na yun.
May gusto lang akong yabangan at ipakita na okay na ako from past ko. Kasi every time na nagkikita kami, naoopen yun eh. Na even dati pa, few years ago, feeling ko nakakaapak siya ng pagkatao ko at pinapakita niya na bobo ako. Gusto ko lang iyabang kung ano meron ako ngayon at masaya ako sa buhay ko ngayon, na supposedly siya lang nakakakita sa post ko, di ko napansin na naka-sync sa ig at makikita ng lahat. Ang masama may picture.
Yes, tanga ako! Ang tanga-tanga ko. Yung nag-iisang tao na alam kong pinagkakatiwalaan ako at pinagkakatiwalaan ko, mawawala pa. Alam ko yung galit mo ngayon sa akin. At kung alam mo lang pagsisisi ko. Kahit ano gagawin ko, kahit kapalit buhay ko mapatawad mo lang ako.
Never ko nagawa sa iba na i-beg pati sarili kong buhay pero para sa'yo mapatawad mo lang ako. Gagawin ko lahat, pinapangako ko.
BINABASA MO ANG
S O R R Y
De TodoNot a story. Kung alam lang niya kung gaano ako nagsisisi. Kung pwedeng maglaho na lang ako. Kung alam lang niya na gagawin ko lahat mapatawad lang niya ako.