Buwan

6 0 0
                                    

Buwan
By: yourbeautiful_luna

Ikaw ang nagsisilbing liwanag, sa puno ng kadiliman
Binabantayan ang iba, sa pagtahak ng kanilang daan
Patungo sa gusto nilang kahinatnan

Ikaw ang liwanag, sa buhay ng ibang tao
Nagniningning sa bawat tawa at ngiti mo

Walang ibang nadarama kundi saya
Sa tuwing ika'y aming kasama

Buwan, ang kahulugan ng aking pangalan
Pero ikaw ang isa sa naging dahilan
Kung bakit gustong mabuhay ng pammatagalan.

Hindi mo hinahayaang malaman ng iba ang hinanakit mo
Sapagkat ayaw mong makaapekto sa ibang tao
Ngunit.. patuloy ka na lang bang mag tatago
Kung may handa namang makinig sa iyo

Nag aalala ka sa ibang tao
Ngunit hindi mo magawang alagaan ang sarili mo..
Lagi mong iniisip ang kapakanan ng kahit sino
Pero.. isipin mo naman ang sarili mo

Hindi mo kailangan humingi ng permiso
Upang ipakita ang totoo mong pagkatao
Sapagkat tanggap ka namin at ang kasarian mo.

At lagi mong pakakatandaan na nandito lang kami para sa iyo



Spoken Poetry Where stories live. Discover now