Kabanata 12

5.6K 7 12
                                    

Carla's POV

"Where are you going?". Tanong ko ng makitang bihis na bihis siya at humahalimuyak sa bango. Kunot noo akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso ng tangkain niyang iwasan ang paglapit ko.

"Look Carla hindi kita Nanay para malaman lahat ng ginagawa ko." Inis na winaksi nito ang braso niya para mabitawan ko siya.

"Tinatanong lang naman kita Mico. Asawa mo parin ako". Malungkot kong bwelta sa kanya.

"Tsk. Stop being nosy. I hate it. I hate everything about you." Sagot nito at walang lingon na umalis na.

I sigh and try to inhale. I close my eyes and try to calm myself. Nararamdaman ko nanaman kasi ang paninikip ng dibdib ko. Umupo ako sa malapit na sofa at itinakip ang mga palad sa aking mukha. Hindi ko na napigilan ay kumawala ang isang hikbi kasunod ang sunod sunod na hagulgol.

Alam kong ginawa ko ang lahat para makasal kami, Pinilit ko siya na isiksik ang sarili ko sa kanya. Now I don't know how to feel. Madalas ay naiisipan ko nang sumuko dahil sa tingin ko ay hindi na worth it pang ipaglaban ang relasyon naming dalawa.

I try to win back the love I felt when he first kissed me. The first hug and the feeling of owning him the first time. Bata palang ay mahal na mahal ko na siya, pero palagi kong naiisip na sobrang layo niya sa akin. Kaya naman ng bumalik siya isang summer habang walang klase sa Manila ay hindi ko maitago ang pagkamiss ko sa kanya. Tuwing binabalikan ko noon ang nakaraan ay wala akong maramdaman kung hindi ang maging masaya ng sabihin niyang miss niya rin ako, pero ngayon na sobra sobra na ang nararamdaman kong sakit ay hindi ko maiwasan maluha sa tuwing maalala ko kung paano kami nagsimula.

Ilang sandali lang ako umiiyak nang biglang ay naisip kong hanapin siya. Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan ang pinakamatalik na kaibigan. Bahagya akong umubo at Inayos ko muna ang boses bago magsalita. "Hello...Neri..." Mahinang pigil ko sa iyak na gustong umalpas.

"Yes. Carla? Napatawag ka?". Mahinhin na sagot nito sa kabilang linya.

"Ah. Gusto ko lang sana...itanong-". Pinutol niya ang sasabihin ko sa isang buntong hininga

"Na? Kung nasaan si Sir Mico o kung alam ko ba kung nasaan siya?". Dugtong nito na para bang naiinis sa dahilan ng pagtawag ko.

"Uhmm. Sorry.. I know tapos na ang oras ng trabaho, umalis kasi siya at hindi nagsabi kung saan ang punta..Nag-aalala ako Neri eh". Mahabang sagot ko sa kaibigan, ilang minutong katahimikan bago ko marinig ang boses niya.

"Carla oo tapos na ang oras ng trabaho, hindi ko alam kung nasaan si Sir at kung may lakad ba siya ngayon. Ang mabuti pa ay matulog kana at wag mo na siya alalahanin". Masungit na sagot nito.

"Sorry. Nag-aalala lang kasi ako sa kanya". Malungkot na sagot ko sa kanya.

"hayy..Carla as your friend I want to be honest..Hindi kaba napapagod? Halatang halata naman na ayaw na sayo ni Sir. Isa pa ay kung tratuhin ka niya ay parang basahan o di kaya ay parang may nakakahawang sakit. If I we're you I'll stop chasing the guy. Sorry ha. Kaibigan kita I just want to wake you up." mahabang sinabi nito na siyang nagpatulo nanaman ng mga luha ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ng magpaalam na ako kay Neri at patayin na ang tawag.

Magdamag lamang akong umiiyak at hindi ko na namalayan na sa sofa na pala ako nakatulog. Ni hindi ako nagising ng umuwi si Mico o kung umuwi ba siya dahil ni isang bakas ay wala akong nakitang pruweba kung nakauwi ba siya. Masakit ang ulo at nakapikit pa ng tumayo ako para uminom ng tubig. I open the refrigerator and saw that we run off stocks, Napagpasyahan kong maggrocery pagkatapos uminom ng tubig.

Matamlay akong pumasok sa kwarto at naligo para maggrocery sa ibaba lang ng condominium. Nasanay na akong mag-isang bumababa at ginagawa ang mga bagay na ito. Minsan nga ay naiisip kong kahit hindi ako maggrocery ay okay lang naman dahil halos hindi naman kumakain sa condo si Mico. Madalas ay uuwi siyang lasing o kung hindi naman ay nakapag dinner na sa labas kasama ang mga kaibigan...o mga babae niya

PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon