Kabanata 13

2.5K 8 2
                                    

"Kay are you okay?". Natigil ako sa pagkakatulala ng marahang pumalakpak sa harap ko si Justine. Magkasama kami ngayon at tahimik na nagkakape sa isang pribadong coffee shop. He called and ask me to hang out with him, sinusubukan kong tawagan si Neri pero abala ang cellphone niya. Marahil ay tambak nanaman ito ng trabaho minsan ay naaawa na ako sa kaibigan dahil sa sobrang dami ng ginagawa niya sa opisina ni Mico.

"Yeah. I am. Ano nga ulit sabi mo? sorry may naisip lang ako". Marahan akong ngumiti sa kanya at ibinalik na ang atensiyon sa kaibigan.

"I told you I saw Neri the other day, Tatawagin ko sana siya kaya lang ay nagmamadali siyang sumakay na sa kotse. I also saw her kissing the guy on the driver seat". Kwento nito

"Really? Baka kaya busy kasi nandiyan yung boyfriend niyang seaman. I am happy with her magtatanong ako kay Mico baka pwede niyang bigyan ng leave muna si Neri para may quality time silang dalawa ng boyfriend niya". Maligayang sabi ko excited para sa kaibigan.

"Speaking of...Kumusta pala kayo ni Mico?". Tanong niya habang humihigop ng kape at tahimik akong pinagmamasdan.

"Were okay naman. Super busy lang talaga siya pero bumabawi naman kapag may time siya". Ngiti ko sa kaibigan na ipinagkibit balikat niya lang.

Buong maghapon yata kami magkasama ni Justine kaya naman pagod na ako ng makarating sa condo hindi ko narin naisipan pang magluto ng dinner dahil ako lang naman kadalasan ang kumakain at hindi di Mico. Tamad akong tumayo at mabagal ang kilos na nagbihis para naman maaga rin akong makapagpahinga na.

Palabas ako ng banyo ng marinig kong may kausap sa cellphone si Mico, Nandito na pala siya at mabuti naman ay maaga siyang nakauwi. Sa pag aakalang tungkol sa trabaho ang pinag uusapan ay tahimik akong kumilos para hindi siya maabala.

"Yes.. baby, come on. I always miss you". Malambing na sagot niya sa kabilang linya na siyang nagpatigil sa akin sa paghakbang, kasabay ng pagsikip ng dibdib ko ang unting unti nanamang pagtulo ng luha ko.

"Oh f*ck her. Don't mind her, Walang nangyayari sa amin. It just a piece of paper baby. Ikaw parin ang hinahanap ko palagi". Dugtong pa nito sa kausap habang nagtatanggal ng butones ng polo.

Tulala akong pumasok sa aming walk in closet na katabi lang ng banyo, I want to yell and slap him hard. Pero para bang nauubos na ang lakas ko sa palagi naming pagtatalo. This is what I want, I want to marry him because I loved him and I don't know what is life without him. Tahimik akong umiyak pagkabihis at naupo sa sofang nandoon. Ayokong lumabas para marinig ulit ang malambing niyang boses habang kausap ang babae niya.

I want to know who's the girl. Pero parang wala akong lakas na magtanong or alamin ulit kung sino nanaman ang kinakama niya. Ilang sandali pang pagmumuni muni ay inayos ko na ang sarili ko at lumabas.

Bahagya pa siyang nagulat ng makitang lumabas ako galing sa walk in closet namin. "Nandiyan ka pala". Malamig na bati niya.

"Yea. Kumain ka naba? Ipaghahanda kita ng dinner". Masayang bati ko sa kanya pilit na tinatakpan ang pait na nararamdaman.

"Wag na. I want to sleep. Pagod ako". Masungit na sagot nito at tuluyan ng humiga sa side ng kama niya patalikod sa akin. Dahan dahan din akong humiga sa tabi niya at pinagmasdan ang likod niya. I miss the way he hugged me. I love him so much na hindi ko siya kayang pakawalan kahit alam ko na hindi na siya masaya sa piling ko. Martyr na kung marytr pero hindi ako papayag na magiging masaya sila ng kung sino man ang babae niya. Forever siyang magiging kabit, sa isiping iyon ay medyo napanatag ang kalooban ko. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na makatulog na ako dala dala lahat ng isipin patungkol sa pagsasama naming dalawa.

Nagising ako na wala na siya sa tabi ko, .Malamang ay pumasok na siya sa opisina. Ganoon naman palagi, nagigising ako na wala na siya sa tabi ko. I miss the way he kiss me the moment he wakes up. Napabuntong hininga nanaman ako kaya naman Tamad na akong bumangon at naghanda ng almusal para sa sarili ko. Masyado pang maaga para mag emote nanaman ako, kailangan kong maging masaya para hindi maapektuhan ang buong araw ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon