『 chapter two 』

35 4 0
                                    

date written: may 20, 2024

⚠️ sensitive topic!
abuse and suicide attempt!

»»———- 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐆𝐈𝐍𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝙃𝙀𝙍 𝙎𝘼𝙑𝙄𝙊𝙍 ———-««

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

»»———- 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐄𝐆𝐈𝐍𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝙃𝙀𝙍 𝙎𝘼𝙑𝙄𝙊𝙍 ———-««

════ ⋆★⋆ NAGSIMULA KASI ANG LAHAT nang umuwi ako sa bahay namin. Galit na galit ang ama ko dahil bakit anong oras na raw ako umuwi, samantalang kung tutuusin ay alam niya naman ang talagang oras ng uwi ko. Ang alam ko na lang ay kinakaladkad niya na ako papalabas ng bahay, habang hawak ang buhok ko. Ni hindi ko na nga ginawang magpumiglas pa dahil para bang na-immune na lang ako physically sa ginagawa niya. Hindi ko na nararamdaman ang pisikal na sakit.

"Napakawalang kwenta mo talagang bata ka!! Bakit kasi sa akin ka pa iniwanan ng iresponsable at malandi mong ina!!" Gigil na hiyaw niya saka ako itinulak nang malakas.

Napaupo na lamang ako sa sahig at pinagsarahan niya na ako ng pintuan ng bahay. Napatingin na lamang ako sa binti kong may panibagong sugat at gasgas na naman. Medyo mahapdi rin ang braso ko dahil sumayad din ito sa magaspang na semento.

Napatingin ako sa paligid at nakitang may mga kapitbahay pala na nasa labas. Nang tumama ang tingin ko sa kanila ay kaagad silang nag-iwas. Bakit hindi man lang nila ako magawang matulungan? Nakinabang din naman sila sa akin noon sa tuwing kailangan nila ng tulong? Ni hindi ako nagdadalawang isip na tulungan sila, pero ganito lang ang igaganti nila?

Tumayo ako nang hindi na rin nag-abala pang pagpagan ang sarili. Fortunately, hindi nakalock ang pintuan kaya pumasok ako at tahimik na magtutungo na sana sa kwarto ko, kaya lang ay narinig ko na may kausap ang aking ama.

"Oo, bata pa ang anak ko. Pwede niyo na siyang kuhanin mamayang gabi, basta ay dalhin niyo rin ang halaga ng perang hinihiling ko at sa inyo na siya." Wika niya at saka tumawa pa.

Ibinenta ba niya ako? Sariling ama ko...

Marahan akong bumalik at lumabas ng bahay na ang tanging dala-dala ay ang school bag ko. Nanlalabo man ang mata ay nagtatakbo ako hanggang makarating sa isang abandonadong factory. Wala nang pader ang ibang parte nito at ang tanging natira na lang ay ang mga hagdan. Umakyat ako hanggang sa pangatlong palapag at saka naupo sa sahig habang nakalawit ang binti sa gilid. I swayed my legs back and forth bago tumingala sa kalangitan. Hindi pa ito ang tamang oras.

⋆★⋆

Lubog na ang araw kaya naman tumayo na ako. Isinilid ko sa bag ang papel at ballpen na pinagsultan ko tapos ay inilagay ko sa isang sulok ang bag ko bago huminga nang malalim. Ngumiti muna ako nang mapait bago sumilip sa baba. "Is this high enough to end me?" Tanong ko

Hindi ako natuwa kaya naman naisipan kong umakyat pa ng dalawang palapag. "I think this is enough." Wika ko sa sarili habang may mapait na ngiti sa labi. Tumingin na muna ako sa paligid at siniguro na walang ibang tao. Sakto naman din na may nakita akong makintab na bagay kaya kaagad ko itong nilapitan.

"Swerte mo naman, Astre." Pinulot ko ang isang matalim na parte ng salamin. Natawa pa nang makita ang bahagyang repleksyon ng sarili.

"Akala niyo ba makukuha niyo ako nang buhay? Dad, isa ka sa may kasalanan kung bakit ako nahikayat na gawin ito. Hindi kita patatahimikin..." Mapait na wika ko saka idiniin sa pulso ang salamin. Walang kaemo-emosyon ko itong pinadaan na para bang nag-swipe lamang ng card. Bahagya akong nanginig dahil malamang ay sa gulat at binigla ko. Ramdam ko ang mainit na likidong umaagos sa kamay ko, pero nagawa ko pang lumakad hanggang sa gilid.

This is it...

Sa medyo may kalaliman nang ginawa ay mabilis na nanlabo ang mga mata ko. Nagsisimula na ring umitim ang paningin ko.

⋆★⋆

Bahagyang sumasakit ang ulo ko at iminulat ko ang mata ko. Bumungad naman sa akin ang puting kisame at maliwanag na ilaw. Fuck, I'm alive?

"You're awake?" Tanong sa akin ng isang boses ng lalaki

Lumingon ako at hinanap ang nagsasalita. Sinubukan ko pang umupo kaya lang ay kaagad ding sumuko nang mahilo. "Bakit ako nandito?" Inis na tanong ko

"Parang masama pa yata ang loob mong buhay ka pa. Gaano ba kalaki ang problema mo para gustuhin mo na talagang mamatay? Slitting your wrist and attempting to jump from the 5th floor?"

"Ano bang pakialam mo, saka sino ka ba?" Iritadong wika ko ulit kahit na hindi ko nakikita ang pagmumukha niya. Ramdam ko na malaro ang taong ito base sa tono ng pananalita niya.

"The name's Owen Knight, I'm the one who saved you." Lumitaw naman ang mukha niya na nasa ibabaw lang ng akin. Blond hair and ocean eyes. Gago, ang gwapo. Kaso hindi ako interesado.

Nakakatawa mang isipin na kahit seryoso ako sa sinabi kong hindi ako magiging interesado ay kinain ko ang mga salitang binitawan. 'Yon pa lamang pala ang simula at sa tagal din ng panahon na nagkasama kami ay matututunan ko pala siyang mahalin. Pinasaya at pinahalagahan niya ako— bagay na hindi ginawa ng kahit sino sa akin. Kaya lang ay hindi pa pala sa saya na nararamdaman ko matatapos ang lahat.

 Kaya lang ay hindi pa pala sa saya na nararamdaman ko matatapos ang lahat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
farewell, neverland -★ owen knight [completed]Where stories live. Discover now