date written: may 20, 2024
»»———- 𝐅𝐀𝐑𝐄𝐖𝐄𝐋𝐋, 𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑𝐋𝐀𝐍𝐃 ———-««
════ ⋆★⋆ ILANG BUWAN NA ANG nakalipas nang magising ako— magising sa katotohanan at mundo kung saan wala si Owen, ang taong mahal ko. Nakakakilos at nakakapagsalita na ako subalit ni minsan ay hindi ko nagawang kausapin man lang ni isa sa mga taong nasa tabi ko nang magising ako. Palagi lang akong nakatulala at hinahayaan silang kausapin at ilibot libot ako sa labas ng hospital habang naka-wheelchair.
Isa ito sa araw na 'yong babaeng blonde ang nagprisinta na maglalabas sa akin. Kung maaari nga sana ay ayaw kong makita ang babaeng ito dahil naaalala ko si Owen sa kanya. Ano na nga ang pangalan niya? Cherry? Sherry? Shelly? Ah, Shelly.
"Astre, hindi ko alam kung kilala mo ba ako, pero sasabihin ko na rin na bago humantong ang lahat sa hindi maganda ay napaka-close nating dalawa sa isa't-isa. Hindi sa pagyayabang pero ako ang bestfriend mo bago ka tuluyang magbago at bago mo tuluyang isara ang puso mo kahit na rin sa amin. Lahat kami na naroon nang magising ka, kami ang palagi mong kasama at kabonding, kaya gano'n na lang ang pag-aalala namin nang malaman namin ang ginawa mo sa sarili mo. Mabuti na nga lang at napadaan si Jay sa lugar na 'yon at nakita ka niya. He saved you, Astre." Paliwanag niya
Jay? 'Yon ba 'yong nakasalamin? 'Yon din ba ang tinutukoy ni Owen?
"Owen..." Mahinang wika ko kaya napahinto naman si Shelly sa pagtulak sa wheelchair ko.
"Bakit alam mo ang pangalan na 'yon?" Gulat na tanong niya. Nagpunta siya sa harapan ko at lumuhod sa harapan ko. "Astre, you never met him, bakit kilala mo siya?" Muling tanong niya sa akin.
Hindi ko sa sinagot. Sa halip ay iniwas ko lamang ang tingin ko. Bakit niya rin kilala si Owen? Ibig sabihin ay hindi lang siya parte panaginip ko kaya gano'n. Pero kung kilala siya ni Shelly, nasaan siya? At saka hindi ko pa siya namimeet ni minsan? Paanong.. Ah, naguguluhan na ako!
"Hindi kita pipilitin na sabihin sa akin kung bakit kilala mo si Owen, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na malapit din si Owen sa amin lalong-lalo na sa akin." Nakangiting wika ni Shelly. Dumukdok siya sa hita ko at ramdam ko namang nababasa ang kumot na nakapatong rito.
I caressed her hair.
Hindi nagtagal ay nagsidatingan na rin ang iba pa at dinatnan nilang umiiyak si Shelly. Baka isipin ng mga ito na pinaiyak ko pa siya, pero hindi na rin naman na ako kumibo pa.
⋆★⋆ timeskip!
Buwan na naman ang lumipas at heto ako, lugmok na lugmok dahil sa mga bagay na nalaman. Sa mga nakaraang araw at linggo kasi ay medyo nag-warm up na ako sa kanila dahil nararamdaman ko namang totoo sila sa akin. Hindi ko lang din maiwasan na medyo maging ilag dahil nga isinarado ko ang puso at isip ko sa ibang tao, nag-aadjust pa akong muli.
YOU ARE READING
farewell, neverland -★ owen knight [completed]
Fanfiction[ not a part of any series. individual book ] it's time to face reality. i can't keep escaping from the real world forever. unless...