Chapter 2

213 9 0
                                    

Lia's POV

Hi! Ako nga pala si Azalia Reyes. Matalino at graduate na Valedictorian nung junior high school ako at ngayon naman sa college, lagi akong nasa top 5 sa dean's lister. Mataray at maldita, lahat 'yun sinasabi nila, pero ang totoo? Sinasabi ko lang naman ang totoo at suplada lang ako sa taong hindi ko kilala. Hindi ako matangkad, 4'11 lang ang height ko, pero maganda naman ako. Yes, I am confident enough na sabihin 'yun kasi maganda talaga ako ang umangal panget.

Tamad akong naglakad sa kalsada ng kanto namin dahil wala lang, tinatamad lang ako. Maya-maya ay nakarating ako sa isang lumang bahay na halos isang kagat nalang ng anay ay guguho na. 'Yun ang bahay namin, hindi naman kami mayaman, mahirap kami.

Oo, mahirap, as in poor, kung i-lelevel sa social class namin, yung nasa level ng lower middle class. Isang araw lang kami kumakain at 50 pesos lang baon ko kahit college na ako, minsan nga wala pa, at minsan di rin ako kumakain. Pumasok ako sa pinto na sira, doon nakita ko ang dalawang kong kapatid. Kumakain ang mga ito ng asin at kanin kaya agad akong napabuntong hininga, kaya napansin ako ng mga ito.

"Ate Lia, andyan ka na pala, may pera ka pa po? Kahit lima ate, bibili lang ako ng pang-ulam, 'yung bangus na chichirya, piso lang isa nun," nakangiting sabi ni Matthew habang nakalahad ang kamay.

Kumuha ako ng isang libo sa bag at ibinigay iyon sa kapatid ko. Nagtatalon naman ito sa tuwa ng maibigay ko dito 'yung isang libo.

"Ate Lia, may bago ka pong work?" Tanong nito sa akin at tumango lang ako saka ngumiti sa mga ito.

"Edi marami na tayong kakainin?!" Sigaw ni Ezra na ngayon ay nililigpit ang kinakain nito kanina siguro dahil alam niyang bibili na si Matthew.

"Oo, kaya dapat kapag aalis si ate, wag kayong malikot ha? At saka kapag nagugutom kayo, wag kayong kumain ng asin, mangutang muna kayo kila Aling Pising, babayaran ko naman eh," sermon ko sa mga ito at napasimangot naman yung dalawa at dahan-dahang tumango. Napangiti naman ako at ginulo ang mga buhok nila.

"Oh sige na, bumili ka na dun ng makakain natin Matthew para makakain na tayo, at nagugutom na rin si ate nyo, maglilinis pa tayo ng bahay," utos ko na agad namang sinunod ng kapatid ko kaya naman hinubad ko na ang aking bag at nilagay yun sa sabitan at doon ko lang nakita na masisira na yung bag ng dalawa kong kapatid.

Nilingon ko naman ang mga sapatos ng mga ito at nakita kong yung isa ay walang swelas at yung isa naman ay nakanganga na sa sobrang kalumaan at yung black shoes na gamit ni Matthew sa pang-school ay nung kinder pa sya at parang dinudurog ang puso ko sa mga nakita ko kaya napagdesisyunan kong mamimili kami ng mga bago nilang damit dahil medyo malaki naman tong binigay nung babaeng maganda kaninang umaga.

I know what happened that night. We fuck. I mean she fuck me as in ril yun she's an intersex na natipuhan siguro ako dun sa bar kaya ayun tinable ako kahit ayaw ko that time kasi hindi naman ako nagpapatable dahil nga kahit mahirap lang kami, ang dignidad at puri ko ang ayokong isuko dahil lang sa kahirapan pero syempre depende parin yun sa mga tao.

"Ezra, mag-igib ka muna ng tubig doon kila Aling Pasing at bayaran mo na rin yung utang natin doon," utos ko nanaman sa isa ko pang kapatid saka kinuha ang bag nila Matthew at nakita kong nung nakaraang taon notebook pa ang gamit nila kaya bibili na rin kami ng bago.

Lumapit sa akin si Ezra at nakangiting inilahad ang kamay nya kaya binigyan ko ito ng dalawang libo at nagmamadali itong lumabas. 10 years old na si Ezra at si Matthew naman ay 12, parehas silang nasa junior high school na si Ezra, maaga lang ng isang taon dahil gifted ang isang yun kagaya ko siguro.

Matagal ng patay ang mga magulang namin simula pa nung magkamuwang ako sa mundong ibabaw, wala na ang mga magulang namin kaya sa batang edad kong ito natutunan kong asikasuhin ang mga kapatid ko na parang ako ang nanay nila. Nag-aayos ako ng bahay ng biglang may pumasok na bwesita.

"Oh, andito ka na pala Lia. Asan na yung bayad nyo sa upa? Nakita kong nagbabayad si Ezra kila Pasing, panigurado akong may pera ka kaya asan na?" Sambit ni Tita Ellen pagkapasok niyo.

Hindi ako sumagot dito at ibinigay ang tatlong libong renta kaya ngumisi syang lumabas ng hindi nagsasalita, tsk, baboy!. Madapa ka sana letcheng tabang to.











TO BE CONTINUE.................

A Fragile Love Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon