Chapter 3

118 6 0
                                    

Lia's POV

Pagkalabas ni Tita Ellen, agad akong bumalik sa aking ginagawa. Nilista ko ang mga gagamitin at kailangan nung dalawa kong kapatid pati na rin yung mga wala kami sa bahay like plato, kutsara, at iba pa. Bibili din ako ng bagong kutson para sa mga kapatid ko.

Ewan ko kung magpapasalamat ba ako o hindi na binigyan ako nung Ateng maganda ng maraming pera. Feeling ko kasi bayarang babae ako sa ganitong sitwasyon. You know that? Yung pakarat na tinatawag.

I really treasure my image lalo na at yun na lang ang meron ako dahil nga di na virgin ang ate nyo. Warak ang aking pokiee bear sa kanya. Jusko, ayoko na alalahanin ang nakaraan. Habang nag-aayos ako, dumating na si Ezra dala-dala ang mga igib nitong tubig habang si Matthew naman ay may dalang lutong ulam na siguro binili niya sa kabilang kanto.

"Ate, bakit ang dami mong pera? Ano po raket mo ngayon?" tanong ni Ezra habang ibinubuhos ang mga naigib nito sa drum at nilalagay naman sa cooler yung Nawasa na binili nito.

"Ah... Ano, nagwa-waiter ako saka nagtututor para maraming pera," saad ko. Well, hindi naman ako nagsisinungaling. Nagwa-waiter naman talaga ako sa bar nga lang, at nagtututor naman ako kapag nasa university ako.

Pero... hindi ko sinama ang dahilan kung bakit ako may ganito kalaking pera. Actually, ibabalik ko ang iba rito. Dahan-dahan ko ring ibabalik yung mga nagastos namin dun sa magandang babae parang nangungutang ganun.

Atsaka wala na akong choice dahil naaawa na ako sa mga kapatid ko na halos araw-araw asin ang inuulam dahil sa ayaw sila pautangin ng mga tindera dahil nga naman walang kasiguraduhan kung meron akong pera na ibabayad sa kanila. Naiintindihan ko yun at hindi nila yun kasalanan dahil nagnenegosyo lang naman sila.

Nakita ko naman itong tumango-tango at ngumiti sa akin sabay tinulungan si Matthew na mag-ayos ng pagkain. I stared at them and seeing them happy makes me happy too, kaya di ko maiwasang mainis sa sarili ko pag hindi ko naibibigay sa kanila ang kailangan nila. Hays buhay, ang hirap.




















Devon's POV

I am in the same bar kung saan ko nakitang nagtatrabaho yung batang inuwi ko nung nakaraan. It's been a week, but she never leaves my mind. Para bang lagi kong hinahanap ang presensya niya. In exact 10 pm, nakita ko siyang lumabas ng staff room. She wears a really short skirt na hapit na hapit sa kanya and she's also wearing a polo shirt na halos humuhubog na sa katawan niya. She may be small, but damn her charisma is on another level.

I got pissed when a lot of male or even female look at her so dirty. Sinenyasan ko ang isa sa mga tauhan dito sa bar na kilala ako at agad naman itong lumapit sa akin. I think she is a manager based on her uniform. Siya lang ang naiibang uniform sa kanila.

"Good evening, Ms. Devon. May problema po ba?" He asked and slightly bowed to me. Nagulat siguro siya, hindi naman kasi ako madalas tumawag ng staff unless it's something important.

"Do you know that girl?" I asked back, pointing kay bansot na ngayon ay pilit ang ngiting nagse-serve sa grupo ng mga lalaki. Mararamdaman mo ang lagkit sa tingin ng mga ito na lalo kong ikinainis.

I feel like I want to bury those idiots.

Ang pinagtataka ko ay malaki na ang perang binigay ko dito at nakapagtataka naman na need niya pang magtrabaho ng ganito. I know she didn't like being here because kung hindi lang siguro dahil sa offer at sinabi that time ay hindi ito sasama sa akin.

"Ah... si Lia po, ma'am? Hindi po siya natatable, ma'am. Masyadong mapagmalinis, kala mo naman mayaman eh mahirap nga lang. Balita ko nga po may sugar daddy daw siya eh. HAHAHAHA," pabirong saad ng manager na ikinainis ko. What the fuck?

What did he think sa sinasabi niya? Is he fucking blind and not noticing I am a girl too? And also that's a young woman and he's saying that she has a sugar daddy? Like, what the fuck?

"So you mean that you let a young lady be treated like that?" I asked kaya naman dahan-dahan itong napatingin sa akin.

I looked at him poker-faced and nagbaba ito ng tingin kaya napabuntong-hininga ako at tumingin uli kay bansot.

"Let that girl serve me. Only me, do you understand?" Maawtoridad kong saad at agad naman itong tumango-tango at dali-daling pumunta sa gawi ni bansot.





















She makes me do something that I too never knew I can. Fuck!






TO BE CONTINUE...................

Sa wakas na publish din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Fragile Love Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon