I'll be there

154 5 5
                                    

ORIGINALLY WRITTEN BY: SOFIA FAURA (SAMIA4EVS)

AUTHOR'S NOTE:

TUGS! kinakabahan ako sa story na ito... ahaha... pinaghirapan ko itong isulat kaya sana maapreciate nyo... Pag may mga scenes kau na di maintindihan, ok lng un kasi first time ko nman eh, better luck na lng. ahaha.. BTW nga pala kay Sherry Habana na nagtulak sakin na isulat tong story, EKSAKTONG THANK U! pati ung inspirasyon ko wala ng iba- Mr.Sam V. Edillo.! at Mr. Noel P. Ira at oo nga i almost forgot my dear @JoseMarieViceral :)

PROLOGUE:

Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang taong nagpahalaga sayo sa buong buhay mo ay dadating ang araw na mawawalan na ng pakialam sayo? Ipaglalaban mo ba ang Pinagsamahan nyo dati? O kaya mo na syang kalimutan at ibaling na lng ang tingin sa iba?. at paano ang lahat kung huli ka na?.

Bago ang lahat ako nga pala si Samantha Cruz at Sam for short. Isang simpleng  babaeng nangangarap na makapagtapos ng pagaaral sa maynila, kanina ko pa yan sinasabi. Kasi nga hindi nman kami mayaman at si mama lang yung nagtatrabaho sa amin... mamaya na yung iba. :)

CHAPTER 1

"Sam, gising!!!" ayt anu ba yan ang ingay naman ng boses na yun. Inaantok pa kaya ako.

"Gian naman. Ang ingay mo talaga. Pwede bang wag mo muna akong istorbohin kasi inaantok pa talaga ako."

"Pero diba ngayun ung pagpapasa natin ng form sa LHS?"

"Oo nga. Pero... Anu kasi eh..."

"Anu?"

"Pwede Gian mamaya na lang tau magusap, magkita na lng tau sa manggahan. May kailangan akong sabihin sau."

"Hindi ba pwede ngayon na lng, bakit mamaya pa?"

"Gian. Please."

"Sige." at iyon na nga umalis na si Gian. Hay naku ang kulit nya talaga. biglang nawala ang ngiti ko sa mukha ng naalala ko ang sasabihin ko kay Gian mamaya. Paano ko kaya sasabihin yun? Bestfriend ko sya at ayaw kong saktan sya kasi sobra nya akong pinahahalagahan. Eto na nga ba ang kinakatakot ko eh, paano kung ma misunderstand nya ung sasabihin ko?

"Ate Sam, hinahanap ka ni kuya Gian." papalabas pa lang ako galing ng banyo ng bigla akong sinalubong ni Mika

"Nasan sya?"

"Nasa simbahan."

"Huh? bakit nasa Simbahan? Anu daw ang sabi?" Pagtataka kong tanong.

"Wala naman syang ibang sinabi. Yun lang. at tsaka mukang bihis na bihis si Kuya Gian. May date ba kayo?"

"Anung date? Mika naman!... O sige bantay ka muna dito saglit magbibihis muna ako."

At nagmamadali na nga akong umakyat sa kwarto ko. Bakit kaya nasa simbahan si Gian eh ang sabi ko lang naman sa manggahan kami magkikita. Ang gulo nya talaga... 

Habang naglalakad ako papuntang simbahan iniisip ko si Gian. Iniisip ko ung reaksyon nya mamaya. Siguro kailangan ko na talagang sabihin yun para hindi na sya umasa at masaktan pa.

Patuloy parin ako sa paglalakad ng biglang may bumato sakin. Bigla tuloy akong napalingon sa Manggahan kasi dun nanggaling ung bato. Yun nga nakita ko si Gian na tawa ng tawa habang nakaupo sa isang kawayang upuan... Ngayon ko lng napansin na parang iba ngayun ung bihis ni Gian. Kasi kapag nagkikita kami dito, parang pulubi lang tong magbihis, yung kung ano lang ung maiisipan.

"Hoy! Sam, Wag mo nga akong titigan ng ganyan, natutunaw ako. Tara na kaya!." Biglang sabi ni Gian, siguro pansin na pansin nya yung kahulugan ng titig ko sa kanya. Pero para sakin wala lng yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll be thereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon