Chapter 1

6 0 0
                                    

Destiny?

Janiel’s POV

Sa tingin ko kailangan ko ng paliwanag tungkol sa mga batang nakita ko ngayon lang, Chay.” Ang wika nito sa malalalim, nakakahindig balahibong boses.

Sinubukan ko, sinubukan ko na hindi matakot sa boses nito, pero mukhang hindi ko maiwasan at ang tanging nagawa ko lang ay tumitig dito.

Ito 'yong taong minahal ko, na sa huli, naging dahilan ng galit ko. Galit na hindi lang sa sarili, kundi sa kanya. Sa paglipas ng maraming taon, hindi siya nagpakita, pero ngayon iyang mga salita ang ibubulalas niya harapan ko? Sana hindi na lang ako kumapit sa kanya. Sana hindi ko na lang siya kinalala na parte ng buhay ko. Dahil masakit eh. Sobrang sakit, sa puntong itatanong mo sa saili mo 'yong kung bakit ka buhay. Pero sa lahat ng ito, wala akong magagawa. Siya 'yong tanging may kapangyarihang sirain ang buhay ng iba.

Sa tingin ko rin sir ay wala kang karapatang malaman iyon.” Nilakasan ko ang loob ko na ilabas lahat ng aking kakayahan para sabihin ito.

Nakita ko ang pagngitngit sa mga bagang niya at ang galit sa mata niya. Umalis ka na lang parang awa mo na.

Nag lakad na ako para umalis, pero bigla ako nitong hinila at hinawakan sa kamay ko ng sobrang higpit. Sa sobrang higpit mamula-mula na itong parteng hinahawakan niya.

Sir, ano ba? Nasasaktan ako, pwede bang bumitaw ka? Ang mahinahon kong tanong dito. Pero mukhang wala siyang balak gawin iyon kaya ako na ang gumawa.

Marahas ko siyang tinulak pagkatapos kong makuha ang kamay ko. Hindi rin naman na siya nakapalag pa dahil agad na akong naglakad palayo sa lugar. Hindi ko alam na may oras siya para pumunta sa ganitong lugar... Kakaiba, sa totoo lang.

Nang makabalik na ako sa loob ng bahay, doon ko na nailabas lahat ng mga luha ko habang paupo sa higaan.

Bakit ka pa bumalik ha!?! Ngayon pa!?! Na mabubuhay ko na sila ng wala ka!?? Ano ba'ng karapatan mo na malaman ang tungkol sa kanila!? Eh sa una pa lang, ikaw na 'tong pinabayaan at iniwan ako—kami!?

Ito 'yong mga salitang gustong-gusto kong ilabas sa mga labi ko. Na kahit kailan, hindi ko tinangkang gawin. Sa una pa lang, may plano na siya. Kaya pa'no pa 'ko makakasama sa planong iyon, kung hindi nga niya ako magawang bigyan ng kahit anong kailangan ko nung una pa lang? Ayoko na. Pagod na ako sa pagmamahal na palaging bigo. Sana nga, hindi na lang kami nagkakilala eh. Sana hindi na kami nagkalapit.

- - - - -

Sa sumunod na mga linggo, hindi na siya nagpakita. Laking Pasalamat ko dahil doon, hindi ako nahirapan magpaliwanag sa mga bata. Nakita nila sa hindi inaasahan ang hindi kilalang tao at biglang nakipag usap sa mami nila, sinong hindi magtataka, hindi ba?

Mami, kapag ba nagkaroon kami ng daddy, ibibigay ba niya lahat ng gusto namin? Ang biglaang tanong ng bunso sa akin, habang naghuhugas ng kamay.

Ah... Hindi pwede yun eh... Bawal kasi sa mga bata ang maraming bagay! Tama, kasi kapag ganun, maraming ibang bata ang walang gamit, tapos kayo meron... Ang pag-iiba ko ng paliwanag sa kanila.

Eh mami, iba naman topic mo sa tanong ko ihhhh, dapat kung ano lang ang questions, tungkol lang dun ang answers. Ang pagpapaliwanag ng panganay ko na ikinagulat ko. Minsan ‘di talaga bagay itawag sa kanila ‘bata’, mas tunog pangmatanda ‘yong tono eh.

RepentanceWhere stories live. Discover now