Janniel's Point of View
I was devastated. Hindi ko rin alam kung sino pagkakatiwalaan, at kung paano magtiwala. Ang tanging nakakapag pawi ng mga pagiisip na 'to ay ang aking mga anak.
Ramne Jackins Kolines.
Ramies Jakes Kolines.Silang dalawa, ang nagpapatunay na may nangyari sa'min ng taong kinamumuhian ko. Ayo'ko nang isin ka kung pa'no nangyari. Ang gusto ko lang, ay ang mabuhay sila nang hindi nakikilala ang ibang ama nila bukod sa'kin. Mahirap pero, alam ko naman sa sarili ko na kakayanin ko. Para sa kanila. At hanggang sa huling hininga ko, hindi ko na kailan pa babalikan ang nangyari.
"Ram! Halika na kayo dito, tawagin mo na kapatid mo. Malapit na kayong ma late ah! 'Pag hindi pa kayo bumaba, wala kayong baon!" Ang tawag ko sa kambal na sa tingin ko ay narinig naman nila.
"Opo mami! Si kuya po kasi eh, ang tagal!!" Ang reklamo ni Ram, na sa totoo ang pangalan ay Ramies. Napangiwi at napatawa na lang ako sa sabi nito, napaka reklamador sa kuya. Haha.
Pagkababa nila, agad kong inayos ang animo'y pugad ng sisiw at kulay puti nilang mga buhok. Hindi ko naman itatanggi, katulad talaga nila siya. Buti na nga lang at walang nakakakilala sa amin dito eh.
Nang matapos kumain at lahat lahat na paghahanda, bumusina na ang bus ng kanilang school, kaya naman agad ko silang sinamahan palabas ng bahay. Pinantayan ko ang taas nila at hinalikan parehas sa noo.
"Alam niyo naman ang palagi kong sinasabi 'di ba? Ayusin ang behavior. Lalaong lalo na sa ugali sa classmates, kapag hindi kayo umayos doon, 'di na'ko bibili ng rubrics cube mo kuya, at 'yong paborito mong damit Ram. Sige na, enjoy doon ha!" Ang bilin ko sa kanila.
Alam ko naman na masunurin sila, kaya hindi na'ko ganoong nagaalala, gaano, dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay matino sila.
Pagkatapos umalis ng bus, bigla akong napahinto. Lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlalaki ang mata kong tinignan ito upang malinawan kung siya nga ito. At hindi ako nagkamali. Paalis na sana ako ng habang patakbo ng bigla ako nitong tawagin.
"Sa tingin ko kailangan ko ng paliwanag tungkol sa mga batang nakita ko ngayon lang, Chay." Ang wika nito sa malalalim, nakakahindig balahibong boses.
♡♡♡♡♡
Sooooo guys, ito nga pala yung sinasabi kong tag-lish na story na gagawin ko heh. Sana ma enjoy nyo, sa una lang yan may katulad na ibang series or kung anong story na naiisip niyo, pero ito mas maraming possibilities hehe.

YOU ARE READING
Repentance
Fiction généraleJaniel, isang lalaki na may kakayahang magkaanak, ay may dalawang anak sa huling nakasama niya. Umabot ng ilang taon, bumalik ang nagbuntis sa kanya para lang insultuhin ito. Ngunit may isang tao na nagpabago ng lahat ng ito. Sino?