Celestine Pov:
"mommmyy! andito na po si daddy" sigaw ng anak naming ni nathan na si cyan
maya maya may naramdaman ako na yumakap saken habang nag luluto
"ang bango ng niluluto ng misis ko, pakiss nga" pagkasabi niya nun ay hinalikan niya ako sa pisnge napa tawa nalang ako ng mahina sa ginawa niya
"daddy! stop flirting with mommy hindi pa siya tapos mag luto" nakangusong sabi ng anak namen na si cyan
"masama ba ikiss si mommy?" natatawang tanong ni nathan kay cyan
"no daddy kase sabi mo po when you kiss a person it means you love her/him and I know po na you loveeeee mommy verrrrrry much!" sinasabi niya yan habang nakataas ang kamay at mukhang kinikilig
"tapos na mag luto si mommy kaya baby samahan mo na si daddy mag lagay ng plate sa table para makakain na tayo" sabi ko sa anak ko habang nakangiti
"let's go daddy iput na naten yung plate sa table because i'm hungry na po" nagmamadaling umalis ang mag ama ko. napa iling nalang ako sa kanilang dalawa
*Dining room*
"how was your day?" tanong ko sa asawa ko na ngayon kay nagliligpit na ng pinag kainan namen
"as usual misis nakakapagod sa office" pag kasabi niya nun ay inilagay niya sa sink yung pinag kainan namen
"hayaan mo na yan diyan nate ako nalang mag huhugas alam kong pagod ka mag rest ka muna daddy" malambing na sabi ko sakanya
agad naman niyang sinunod ang sinabi ko at umakyat na siya papunta sa room namen mag asawa halatang pagod na pagod ang asawa ko ngayon. Habang naghuhugas ako ng pinag kainan namen mag anak ay may biglang nag doorbell kaya iniwan ko muna ang aking hinuhugasan.
"sofie? gabi na ah, bakit ang dami mo naman atang da--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil agad niya akong niyakap at umiyak sa balikat ko
"ateee sorry if i disturb you, hindi ko lang talaga alam kung saan pa ako pupunta ikaw lang naman ang kakilala ko dito sa pinas" umiiyak na sabi niya saken
"pasok ka muna sofie sa loob naten pag usapan kung anong nangyari sayo"
pagkapasok namen sa loob ay nakita ko ang asawa ko na pababa
"misis bakit hindi ka pa umaakyat at sino yung nag doorbell?" sabi niya habang pababa siya ng hagdan kaya hindi niya pa nakikita na may kasama ako
"daddy si sofia nga pala pinsan ko, sofie si nathan asawa ko" pag papakilala ko sa kanilang dalawa
"pinsan? sofia? bakit ngayon ko lang siya nakita?"naguguluhan tanong ni nathan
"malayong kamag anak ko kase si sofie sa states siya nakatira kaya hindi mo siya ganun kakilala pati siya yung kwinekwento ko sayo dati na pinsan ko" paliwanag ko sa asawa ko na mukhang nagets na niya
"ahh" yun lang ang sinabi ng asawa ko at nginitian lang si sofie "akyat na ako misis pahinga ka na rin ha, good night sa sofie" at umakyat na ang asawa ko
"ate pinalayas ako ni mommy" muling umiyak ang pinsang kong si sofie
"bakit? anong nangyari?" tanong ko kay sofie habang binibigyan siya ng tissue
"kase yung bago niyang asawa sabi ko kasi na minamanyak ako, hindi siya naniwala saken mas pinaniwalaan niya yung hayup na lalaking yun" mas lumakas pa lalo ang iyak niya "kaya ayun pinalayas ako ng sarili kong ina" lalo pa siyang umiyak kaya niyakap ko naman siya
"sige dito na muna tumira hanggat kailan mo gusto, basta ikaw lagi kang welcome sa bahay na ito" nakangiti kong sabi sakanya
"salamat ate"
*Kinabukasan*
"who are you!" mataray na bungad ni cyan kay sofie
"baby cyan be good to aunt sofie ok!" sabi ko sa anak ko pero hindi ko naman siya pinagalitan
"why mommy? aunt? how come that she is my auntie I already have Auntie lorie and i don't like her!" mataray na pag kakasabi ni cyan at umismid pa kay sofie
"baby cyan what our no.1 rule?" sabi ko sa anak ko
"be a good girl" nakangusong sabi ni cyan natatawa nalang si nathan sa inaasta ng anak niya kaya napa iling nalang ako kay nathan
"and the no.2 rule?" muli kong tanong sa anak ko
"don't judge anyone easily because we don't know him/her yet"mas lalong humaba ang nguso ng anak ko bigla naman lumapit si nathan samen at hinalikan ako sa pisngi at nilapitan niya si cyan pagkatapos ay binuhat
kame naman ni sofie ay nakikinig labf sa kanilang dalawa
"baby listen ka lagi kay mommy ok. at mukha naman mabait si tita sofie pati ayaw mo nun may bago kang kalaro" sabi ni nathan kay cyan
"but still don't like her daddy" sabi ni cyan sa daddy niya kaya napailing nalang ako
nakita ko naman lumungkot ang mukha ni sofie
"sofie hayaan mo muna si cyan bata pa kase kaya ganyan nalang ang reaction niya, mabait na bata naman yan. Pag tumagal tagal naman ay alam kong makukuha mo na ang loob ng bata"nakangiti kong sabi kay sofie
ngumiti lang saken si sofie bilang tugon sa sinabi ko.