Chapter 9

345 5 1
                                    

CHAPTER NINE


HinDi parin sumuko si Sebastian sa panunuyo kay Jelena. Halos araw-araw siyang nagpupunta sa bahay ng mga ito. Ngunit inaabot na siya nang hatinggabi sa - tapat ng gate ng mga Rodriguez ay ni hindi niya ito nakakausap. Nang minsan ay inabot na rin siya ng malakas na ulan ngunit hindi pa rin siya umalis. Kahit papaano ay may nagbago na rin sa pakikitungo sa kanya ng mommy ni Jelena nang malaman nitong pamangkin siya ni Delia at muntik na siyang gamitin ng huli upang maghiganti sa mga Rodriguez. Samantalang ang daddy ni Jelena ay hindi naman nagalit sa kanya. Kinausap niya ito nang masinsinan. Sinabi nitong matigas talaga ang kalooban ng dalaga at wala itong magagawa para ayusin ang problema nila. Ramdam niya sa huling pag-uusap nila nito ang hinanakit sa kanya at sa plano ng kanyang Tita Delia. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibelahabang nasa loob siya ng kotse niya at nakaiipgakag sa bahay ng mga Rodriguez. Mag-aala-una na ng hatinggabi ngunit natiis na naman siya ni Jelena. Mukhang hindi na siya mapapatawad nito. Mabigat ang loob na pinasibad niya ang kanyang sasakyan palayo sa bahay ng mga Rodriguez. DAHIL sa sama ng loob ni Sebastian sa Tita Delia niya ay iniwasan na niyang makaharap ito. Pagkalipas ng isang linggo na hindi na siya bumalik kina Jelena ay nagulat pa siya nang maging bisita niya ito isang hapon. "Ts this a surprise visit o naligaw ka lang?" Iyon ang bungad niyarito pagbukas niya ng pinto ng condominium unit niya. Hindi niya inaasahang makikita niya ito sa harap ng unit niya pagkatapos ng mga nangyari. Alam niyang mahihirapan na siyang palambutin ang galit nito at makuha ang kapatawaran nito. Pero baka naman nagbago na ang isip nito at napagisip-isip na totoo ang sinasabi niyang mahal niya ito. "Hindi ako HSHUBANY Sebastian," seryosong sabi nito. "Comein." Matamlay na pumasok ito sa loob. Naki ito sa mahabang sofa na iminuwestra niya rito. Hindi ito makatingin nang tuwid sa kanya.

"What brought you here?"

"M-my dad was kidnapped..." mahinang sambit nito na ana maiiyak. "What?!" gulat na reaksiyon niya. "Nasa kamay siya ng Tita Delia mo." "Who told you?" . "Nagpunta sa Baguio si Daddy para sa isang project doon. Dapat ay no'ng Sunday pa siya nakabalik. Nagworry na kami. Lalo na't hindi siya tumatawag. Unattended ang cellphone niya kapag tumatawag kami. Then before midnight, he called up. Sinabi niya sa amin na huwag daw kaming mag-worry pero hindi naman niya masabi kung ano'ng nangyari sa kanya at kung nasaan siya. After an hour, tumawag uli siya. Sinabi niyang nasa farm daw siya ni Delia Valermo Tiongson sa La Union. Hindi niya sinabing pinipigil siya roon pero worried na worried si Mommy. Iyak din siya nang iyak." Napatda siya sa mga narinig. "A-are you sure, nasa farm siya ni Tita Delia sa La Union?" "Bakit naman magsisinungaling si Daddy? Pakiramdam namin, ayaw siyang pakawalan ng Tita Delia mo. Hindi ko alam kung ano ang plano niya sa daddy ko. Why can't she leave us alone? Bakit ba palagi n'yo na lang ginugulo ang pamilya namin?" Nakadama siya ng awa kay Jelena. Kung totoo ngang kasama ni Tita Delia si Ernest sa malawak na farm nito, hindi siya sang-ayon sa ginawa nito. Hindi

siya makapaniwalang magagawa nito iyon.

Was it because of love or hatred? "She's crazy," mahinang sambit niya, at natampal ang kanyang noo. "Yes, she's crazy. Matatanda na sila pero hindi pa rin tumitigil ang Tita Delia mo. Hindi ko alam kung ginagawa na lang niya ito para guluhin ang pamilya namin," halatang masama ang loob na sabi ni Jelena. "Alam kong ikaw lang ang puwede kong lapitan ngayon. Talk to your aunt. Alam kong makikinig siya sa iyo. We want our dad back. Willing kaming kalimutan ang nagawang ito ng Tita Delia mo basta pabayaan na niyang makabalik sa amin ang daddy ko." Humugot siya ng malalim na hininga. "Okay, kakausapin ko si Tita Delia." "Thanks." At nagpaalam na ito. Nag-alok siyang ihatid ito ngunit tumanggi na ito. Hanggang sa elevator lamang niya naihatid ito. "Jelena, L.. I still love you with all my soul." Tiningnan lamang siya nito. Ngunit hindi na niya narinig pa ang sagot nito dahil sumara na ang elevator. "ANO'NG ginagawa mo rito, Sebastian?" Nagulat pa ang Tita Delia niya nang makita siyang bumaba ng Lexus niya sa harap ng farmhouse nito sa La Union. "Nasaan si Mr. Rodriguez, Tita?" kaagad na tanong niya rito.

Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon