Chapter 5

347 6 1
                                    

CHAPTER FIVE


IPINARATING ni Jelena sa management ng Puerto

Villa Royale ang ginawa sa kanya ni Sebastian.

"Gusto n'yong ipatawag ko siya, Miss Rodriguez,

para magkaharap kayo? You can demand an apology

from him if you want," sabi ng manager ng island resort.

Kausap niya ito sa loob ng opisina nito.

"Never mind. Ayoko nang makaharap pa siya. Ang

gusto ko na lang mangyari ay ang magbigay siya ng

written apology sa akin. At kung puwede, i-ban na siya

sa island resort na ito. Pm a regular tourist here and I

don't want to see his face again."

"Pm so sorry, Miss Rodriguez, but I'm afraid, ang

written apology lang niya ang puwede naming pagbigyan

sa hinihiling n'yo. We cannot stop him from coming here

because he's a town villa owner in our exclusive town

house complex. And therefore, puwede siyang magpunta

rito kahit anong oras niya gustuhin."

"M-may town villa siya rito?" maang na tanong niya.

"Yes, Miss Rodriguez. In fact, isa siya sa mga unang

bumili ng town villa rito."

Nagkatinginan sila ni Yvette. Nagkibit-balikat ito na

parang gustong sabihing wala siyang magagawa para

maipa-ban sa isla si Sebastian.

"T love this island paradise but I'm afraid, hindi na

muna ako magpupuntarito," sabi niya kay Yvette habang

nagla-lunch sila sa restaurant sa ground floor ng hotel.

"Para hindi na kami magkita ng Sebastian Valermo na

"yon." Sumubo siya ng slice ng sashimi.

"Malamang na galit din sa iyo si Sebastian. Ang laki

ng pasa niya sa mukha. And I'm sure, masakit pa rin

ang tama ng flying kick mo sa kanya."

"He deserves it, Yvette."

"W-wala bang appeal sa iyo si Sebastian at

nagagawa mo siyang tarayan nang ganoon? O, baka

naalala mo lang si Henric dahil pareho silang guwapo?"

"T don't care kung guwapo siya. First meeting pa

lang namin, nakita ko na ang rudeness niya. Antipatiko

at mayabang siya. Feeling siguro niya, lahat ng babae ay

magkakandarapa sa kanya. At pinatunayan ko lang na

hindi. He'd met his match."

Nangingiting itinuloy na lamang ni Yvette ang

pagkain.

"May girlfriend na kaya siya?" mayamaya ay

naitanong nito.

"Yong hitsura n'on, mukhang sex ang libangan n'on.

Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon