Chapter 1

1.1K 31 52
                                    

A\N: Let's do a quick dive in the past guys. This is how everything started. Enjoy!

************************
Nicola, Age Six
---
I shaded Spongebob's second eye with a black crayon in a hurry, looked at my drawing with a small smile on my face and passed it to Ms Bea before saying goodbye and rushing out of the classroom.

Ako ang laging nahuhuling matapos kapag nagda-drawing, pabago-bago kasi ako ng gustong iguhit. I have to hurry so I can still play with my twin and his friends.

"Nicola? Wait," pagpigil sa akin ni Ms Bea na agad na ikinalungkot ko. Akala ko pa naman ay makakalusot ako.

Bumuntong-hininga ako bago tumingin sa kanya.

"Do you know what color Sponegebob's body is?" Marahang tanong ng guro ko.

Tumango ako. "Yes, yellow."

"Then why did you make him red, Nicola?" Mahina pa rin ang boses na tanong niya.

Kagat ang labi na tumingin ako sa baba. Ms Bea is nice. I like her. She doesn't look at me like I was weird. Some of my classmates call me that.

"I like red," bulong ko.

Ngumiti siya ng bahagya. "Then you could've drawn something else. Maybe, Mr Crabs?"

Napanguso ako. "I don't like Mr. Crabs. He's the bad guy."

"Yes, but he's also the only character in Spongebob's world that is red."

I sigh and sit back down, grumpily taking my strawberry shortcake pencil case out from my strawberry shortcake bag. Hindi ko maintindihan bakit kailangang yellow si Spongebob o kung bakit anything from Spongebob's world ang pinaguhit sa amin ngayong araw.

My bag and pencil case is Strawberry Shortcake and they are both red and not pink. Why can't Spongebob be red and different, too?

"Hey, hey," yumuko si Ms Bea. "No need to draw again. But next time, we need to stick to the rules, okay?"

What rules? At sino ang gumawa 'non?

Kung sino man sila, siguro ay hindi sila masaya sa buhay nila.

Tumango nalang ako at nagligpit, at agad na lumabas sa classroom bago pa magbago ang isip niya.

My mood is light again as I jumped up and down as I walk to the playground. Kanina pa sila naglalaro habang ilang minuto nalang and mayroon ako. Napangiti ako nang makita si Cal at ang mga kaibigan niya.

"Hello, my twin!" Masiglang tumalon ako at niyakap ang kambal ko.

Natigilan siya ng bahagya bago ako ginatihan ng yakap. Agad na lumayo ako sa kanya nang maramdaman kong basang-basa siya ng pawis.

"Ew! You're so sweaty!"

Tinawanan niya lang ako bago tumakbo ulit. Wala akong nagawa kundi sundan siya ng tingin. Excited pa naman akong maglaro pero parang ayaw ko na bigla.

"Hi, Cole!" Bati sakin ni Reid na nakatayo sa gilid ng bench habang may hawak na bola.

"Hello," ganti ko at agad na umiwas ng tingin nang makitang nakatingin si Kai sa akin.

Relentlessly Yours [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon