Title: Paano Ba?
Author: MyztiqueuncNag iisang tanong na di ko alam ang sagot,
Paano ba magkaroon ng kaibigan na totoo?
‘Yong kaibigan na di ka kayang iwan,
Laging nakasuporta sayo maging sa kabaliwan.Dahil sa totoo lang di ko na talaga alam.
Kung ba't lagi na lang akong iniiwan.
Yung tipong wala man lang paalam,
Kung ba't sila bigla nalang lumisan.May mali ba sa akin? Masama ba ako?
Bakit ba kasi lagi na lang ganito?
Lahat ng taong pinapahalagahan ko,
Napakadali lang para sa kanila na balewalain ako.Inaamin ko, inggit na inggit ako sa pagkakaibigan niyo.
Dahil solid ang friendship na binuo niyo.
Di tulad ng sa akin, wasak at di pa totoo.
Iniwan at kinalimutan na nila ako.Paano ba magkaroon ng kaibigan na dadamayan ka hanggang dulo?
‘Yong kahit anong mangyari laging nandiyan sa tabi mo.
Magiging sandalan mo sa lahat ng problemang kinakaharap mo,
Di ‘yong bigla nalang mawawala na parang bula sa oras na kailangan mo.Kaya ang hirap magbigay ng tiwala.
Lalo't alam mong mawawala rin naman bigla.
Babalik ka na naman sa dati na nag iisa,
At mararamdaman mo ulit na hindi ka mahalaga.Kaya kung may plano kayong iwan ako,
Please lang, pakisabihan na lang ako.
Dahil ako mismo mo, ang unang lalayo,
At di na muling magpaparamdam sa inyo.Thank you for reading:>