WP NO.13

1 1 0
                                    

Title: BINALEWALA
Author: Myztiqueunc

Minahal kita kahit nakakabwisit ka.
Ang hirap magkaila na di ka mahalaga,
Lalo na't ikaw lang naman talaga
Ang taong gusto kong makasama.

Ikaw ba? Ginusto mo rin ba ko?
O may ibang nagpapatibok ng puso mo?
Bakit ka lumisan ng di nagpapaalam?
Hinintay kita ng matagal kahit di mo man alam.

Ngunit nalaman ko na lang na pagmamay ari ka na pala ng iba.
Gusto kitang agawin sa kanya pero huli na.
Masakit man isipin na may mahal ka palang iba,
At nagmukha lang akong tanga.

Naghintay ako ng matagal para lang sa wala,
Sapagkat ng ‘yon nabalewala.
Akala ko, minahal mo ako.
Pero hindi pala, dahil di ako sapat para sayo.

Sana sinabi mo nalang na di ako ang gusto mo.
Para di na ako nasasaktan ng ganito.
Sana sinabi mo na di na ako ang priority mo,
Dahil siya na ang inaalagaan mo.

Gusto kong makalimutan ka.
Pero bakit ganun? Di ko magawa.
Gusto kong tanggapin na wala na tayo.
Pero naalala ko, di pala naging tayo.

Ako lang pala ang nagmahal,
Ngunit di mo kayang suklian.
Dahil tingin mo sa akin ay kaibigan mo lang.
At hanggang don lang, walang labis at walang kulang.

Sana maging masaya ka sa piling niya.
Binalewala mo man lahat ng effort ko,
Pero naiintindihan ko, kase nga di ako ang mahal mo.
At alam kong ang magpapasaya sayo ay siya at hindi ako.

Thank you for reading:>

Unspoken WordsWhere stories live. Discover now