«Mga Tulang Ligaw»

35 0 0
                                    


I.

Nagising ako ng mga ingay mula sa ibaba
At tulad ng dati, wala akong magawa.
Pinilit kong takpan itong aking mga tainga ngunit hindi sapat ang mga unan upang itago ako mula sa malahalimaw na mga ungol sa ibaba.

Gabi gabi bago ko mapagtagumpayan na maipikit itong aking mga mata
Ilang libong ulit muna akong nilulunod at sinasakal ng mga imahing nagmumula sa ibaba.

Hindi ko man sinasadyang marinig ngunit naririnig ko rin.
Kung paanong kayong dalawa ay masayang nagtatawanan tungkol sa
Isang joke, o palabas, o simpleng kalandian
Hindi ko alam
Hindi ko alam! At wala akong pakialam!
Dahil hindi rin naman ninyo alam na ako ay inyong ginagambala
Sapagkat kahit hindi ko naririnig ay malinaw na nabubuo sa aking isipan ang imahe ninyong dalawa
Hawak hawak ang kamay ng isa't isa habang ang isa ninyong kamay ay naglalakbay sa kung saan
Na siyang dahilan upang kayo ay maghagikgikan
At upang ang mundo ko ay maguluhan.

Sapagkat ibinabalik nito sa aking isipan ang nakaraan.
Ang noon kung saan ang hagikgikan ay dito sa itaas nagaganap
Ang lampungan ay dito sa itaas unti unti nag iinit hanggang sa umalab at magtampisaw ang ating mga katawan at maginhawaan.
Maginhawaan ang Ating mga katawan!

At sa tuwing maririnig ko kayong nagkakatuwaan
Napapatanong ako sa aking sarili
Kung Bakit, bakit at paanong ang ating kagalakan ay nahulog paibaba?
Papaanong nangyaring ikaw na dati kong kasalo sa init ay kaulayaw na niya sa mga gabing malalamig
At paano nangyaring sa kanya ka na lamang kinikilig?

Papaano nangyaring nariyan ka sa ibaba
At ako ay naririto sa itaas at nag iisa.
Paano nangyaring mas masaya ka sa piling niya
Siya na ni hindi ka mahila paitaas
Siya na ni walang kakayahang pangitiin ka gamit ang isang mumunting box?
Paano nangyaring mas masaya ka sa piling niya?

Paano nangyaring ako na lamang mag isa?
At kahit ilang mumunting box pa ang bilhin ko
Kahit na iyong pinakamalaki pa ang kunin ko
Kailanman ay hindi ka babalik sa piling ko?
Paano mo nagawang ipagpalit ang mga mamahalin kong regalo
Sa isang korning patawa galing sa kanya?
Paano mo nagawang ipagpalit ako sa kanya?

Muli, magigising ako ng mga ingay mula sa ibaba
At muli magbabalik ang lahat sa aking alaala
Ang mga araw na tanging kahon ang kaya kong ibigay
Sa mga panahong "ako" ang hinihiling mo.
Kung paano ko pinilit pagtakpan ang bawat pagkukulang
Gamit ang maraming bungkos ng mga papel at sangkaterbang karton at kahon
Kahit na alam kong ako ang mas kailangan mo.

Naaalala ko..
Naaalala ko..
Kung paanong mas pinili kong mabuhay dito sa itaas
Kahit ilang beses ka ng nagmakaawa na subukan kong bumaba
At tikman ang buhay sa ibaba
Dahil iyon ang buhay na mas gusto mo
Dahil iyon pala ang siyang gusto mo
Pero hindi ako nakinig
Hindi ako nakinig at pilit kong pinagtakpan ito gamit ang mga kahon
At nagsawa ka.
Nasanay ka sa aking pambabalewala
At nagsawa ka
Nagsawa ka sa akin.

Nagising ako sa maingay na tunog sa ibaba
Sa maingay na tawanan mula sa ibaba
Sa nakabibinging tawanan sa ibaba
Ngunit hindi ko magawang bumaba at pagsabihan kayo sapagkat
Sapagkat alam kong maligaya ka na
Sapagkat alam kong kahit iniwan mo na ako
Alam kong nariyan ka
Nariyan ka pa
Nasa piling ng iba.
Ang galing galing ko kasi.

Mga Tulang LigawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon