Pumuslit ka ng masilip mong bilog na naman ang buwan.
Iyan na ang senyales upang liparin mo ang parang.Dumiretso ka sa pinakamadilim na bahagi nito.
Iniangat ang iyong mga kamay na tila ba kumakaway.
At naramdaman mo ang pagbabago ng ihip ng hangin.
Unti-unting yumayakap sa iyo.
Humahalik sa iyong pisngi.Nangungulila kayo sa isa't isa, oo.
Tulad ng pangungulila ng buwan sa kaniyang mga bituin matapos siyang lisanin nang dumating ang bagyo.Humigpit ang mga yakap.
Humalinghing ang paligid.
Handa na kayong gawin ang ritwal ng pagpapatiwakal.Kinandong nya ang puso mo at masuyong niyapos.
Hinagkan ang buo mong katawan at napaungol ka sa sensasyon.
Napaiktad ka at napalingon ka sa langit.Nakita mo ang bilog na buwan
At naalala mong
Ang lahat ng iyan ay pawang mga halik sa hangin.Walang kayo.
Pagmamay-ari siya ng buwan.
Oo. Siya ang bituing nilisan ang buwan at kalangitan.At hindi mahalaga kung ano ang nararamdaman ng inyong mga puso.
Ang bituin ay para sa buwan.
Ang hangin na tulad mo ay nakatakdang maging malaya.Kung kaya sa huling pagkakataon ay siniil mo siya ng iyong nangungulilang mga halik.
At sa huling pagkakataon
humulagpos ka....
Ps. Photo credit to DESTINY BLUE
