Isabel pov
Ilang minuto paakong nanatili sa loob bago napag desisyonang umalis na roon, wala akong dalang kahit na ano maliban sa cellphone ko kaya mag lalakad nalang siguro ako,
Nag lakad paako ng ilang minuto may nadaanan akong parke kung saan maraming matatanda at bata ang mga nag lalaro, naupo ako sa isang beanch at pinasadahan ng tingin ang mga batang aliw na aliw.
Kinuha ko ang cellphone ko upang kumuha ng litrato napansin kong malabo ang camera sa likod kaya naisipan kong tanggalin ang case at punasan iyon ngunit may nakita akong isang daang piso.
Bakit may isang daan ako sa case?
Pilit kong inaalala kung nag tabi ba ako ng pera sa case ko ngunit wala talaga akong matandaan,
Bahala na, kung kay Sha-sha man ito at nailagay lang sa case ko babayaran ko nalang, kaso impusible naman hindi naman mahilig mag lagay ng pera yun kung saan saan.
Ipinag kibit balikat ko nalang ang nasa isip at tumayo upang lapitan ang nakita kong nag titinda ng ice cream.
"Kuya, isa ngapong chocolate Flavor" sambit ko kay manong nag titinda. "Ilan hija?" Tanong nya.
"Isa lang ho." Agaran kong sagot, nilibot kong muli ang paningin ko habang hinihintay ang binili ko.
Madaming bata ang nag tatakbuhan, mayroon ding mga matatanda kasama ang mga anak nila meron namang mga mag kakaibigan.
"Heto na ang ice cream mo, hija" abot saakin ng matanda.
Iniabot ko sakanya ang bayad ko at kumuha sya ng panukli, habang nag hihintay ay naagaw ang atensyon ko ng limang batang hindi ko napansin na nasa gilid ko pala.
Dalawang lalaki at tatlong babae, nakatingin sila saakin. "Hi." Bati ko.
Nginitian ako ng babaeng kulot ang buhok at sakto lang ang laki. "Hi din po." Maliit na tinig na balik nyang pag bati.
"Nasaan ang mga magulang ninyo?" Tanong ko bago lumuhod upang pantayan sila. "Wala napo kami non," sagot ng lalaki sa gilid.
Parang wala lang sakanila ng sabihin iyon ng batang lalaki, bigla akong nakaramdam ng lungkot at awa para sa kanila, kinagat ko ang ibabang labi ko "pasensya na, hmm gusto nyo ba ng ice cream?" Alok ko, nabuhayan ang mga hitsura nila at galak na tumango.
Tumayo ako mula sa pag kakaluhod at hinarap si manong. "Apat panga po ng ice cream." Sambit ko dahil apat nalang ang aabutin ng sukli,
"Heto." Abot ko ng hawak kong ice cream sa batang babaeng kulot ang buhok, ngiting ngiti naman nya iyong kinuha.
"Salamat po!" Masayang aniya pa, nginitian kolang sya at ginulo ang buhok nya. Maya maya lang ay ibinigay kona sa apat ang ice cream, halata ang saya at tuwa sa reaksyon nila.
"Salamat po ate aa..."
"Ate isabel." Pagtutuloy ko sa sasabihin ng batang babaeng pinakamaliit.
"Anong mga pangalan nyo?" Tanong ko habang pinapanood silang lantakan ang ice cream nila.
"Ako po si jenelle" pag papakilala ng pinaka maliit.
"Ako naman po si jello kapatid ko po si jenelle" sambit ng lalaking pinaka matangkad sakanila.
"Ako po si eulyn." Maliit na tinig ng pakilala ng isa pang babae.
"Ako po si Ronnel." Sambit ng isa pang lalaki.
"Ako naman po si Irish," pag papakilala ng kulot na buhok, bahagyan nanikip ang dibdib ko at parang kinapos ako ng hangin.
Irish.....
YOU ARE READING
Let Fate Decide For Us
RomanceJhaira Isabel is an simple girl with a sense of humor but smart. She has leukemia inherited from her's mother. She is an illegitimate child of her father and she was created by a mistake. she also had trauma from her fast until she met alexander but...