Chapter 10

9 1 0
                                    

Ayesha's flashback

Kanina pa pala walang buhay si Irish tatlong ulit na nilang sinusubukang iligtas ang buhay nya pero wala talaga.

Maya maya pa ay naka balik din si tita nang sinabi namin na hindi na talaga naligtas si Irish ay muli itong napa hagulgol.

"No!" Tutol ni tita, gusto ni tita na ilibing na agad ang bangkay ni irish.

Naiintindihan kosya, alam kong masasaktan lang sya kapag makikita nyang nasa kabaong na ang anak kaya gusto nyang ipalibing na ito agad.

"Are you crazy?" Inis na laban ni tito.

"N-no! Ayoko, ilibing na natin agad ang anak natin...please" iyak ni tita.

Kahit na tutol si tito ay ayun nga ang ginawa kinabukasan palang ay inilibing na agad ang bangkay ni irish, hindi kami nag tangkang buksan ang kabaong dahil ayaw ni tita, naiintindihan ko...Namin.

Alam kong si tita ang mas nasasaktan ngayon dahil si Irish ang pinaka paburito nyang anak at sya din ang tagapag mana nya.

Natapos ang libing na hindi ko manlang nakita ang anino ni Isabel.

Nasaan kaba?

Wala sa wisyong umuwi sila tita at tito sa mansyon ng mga enriquez.

"Ihahatid na kita." Latang alok ni ivan.

Naawa ako sakanya alam kong masakit din sakanya to pero pinapakita nya sa lahat na kaya nya na ok lang sya pero alam kong hindi sya ok..

Tumango nalang ako sakanya bilang sagot.

"Mauna nako sha." Paalam nya ng tuluyan akong maihatid.

"Salamat sa pag hatid ingat ka."

Kinagabihan ay mag isa lang ako sa kwarto nag memessage saakin sila Arah at Clyde kung ok lang ba si Irish pero wala akong nireplyan ni isa sa kanila.

Ayoko munang makipag usap, napaka daing nangyari parang kailangan ko muna ng pahinga.

Isa pa iniisip kosi Isabel,.iniisip ko kung nasaan nasya at kung bakit wala sya kanina.

Napadukmo ako dahil sa halo halong imusyon alam kaya ni Isabel na wala na ang ate nya? Kung alam nya bakit hindi sya pumunta? Kung alam nga nya na wala nasi irish alam kong umiiyak sya ngayon, alam kong nasasaktan sya ngayon.

Napaangat ako ng tingin mula sa pag kakadukmo ng bumuhos ang malakas na ulan.

Maya maya pa ay may kumatok sa pinto, wala sana akong planong pag buksan iyon ngunit parang may tumutulak sa akin.

Nag lakad ako palapit sa pinto at pinag buksan ang kumatok laking gulat kopa na bumungad saakin si isabel.

Basang basa sya ngunit batid kona umiiyak sya, nanginginig din ang katawan nya. Ang singkit nyang mata ay namumula ang mapulang labi naman nya ay nangingig, basang basa ang hanggang bewang nyang buhok.

"Sha..." parang batang tawag nya saakin.

Niyakap nya ako at humagulgol sya kahit na basang basa sya ay ginantihan ko ang yakap nya.

"Shhh"

"Sha, si ate..."

"S-she's already g-gone-" Parang may sumasakal saakin ng sabihin ko iyon.

Sunod sunod ang naging iling nya "no, nakaligtas sya diba? Sabihin mo sakin sha....buhay sya diba? Hindi naman nyako iiwan diba?" Sunod sunod na sambit nya hindi parin kumakawala sa yakap.

Gusto kong sabihing buhay pasi irish gusto  kong paniwalain sya doon ngunit alam kong hindi iyon ang nararapat kong gawin.

"Bakit hindi ka pumunta sa libing nya?" Tanging lumabas sa bibig ko.

Let Fate Decide For UsWhere stories live. Discover now