Prologue

902 25 9
                                    


"Malapit na tayong grumaduate!" naglulundag na saad ni Aiza ng makita akong makapasok na ng classroom.

"Sira may defend pa tayo kaya huwag ka munang magbunyi at may final exam pa tayo" saad ko.

"Oo nga pala, eh makakapag exam ka na ba? hindi ka makakaexam kapag hindi na fully paid ang tuition mo ngayon" concern nitong saad.

"Kakausapin ko nalang si Dean na payagan ako atsaka ko na ibibigay ang bayad ko kapag may nahanap na akong pambayad" wika ko kahit maging ako ay nag aalala din na baka hindi pumayag ang aming Dean.

Ako nga pala si Mechelle Avarro mas kilala sa palayaw na Mitch, taken ng isang lesbian mag wawalong buwan na .Working student ako kaya medyo mahirap para sa akin ang pagsabay sabayin ang lahat pero dahil independent ako ay nagagawa kong makasurvive sa bawat araw.

"Bakit mo naman kasi pinahiram doon sa pinsan mo yung perang dapat sana pambayad mo ng matrikula" panenermon nito.

"Kailangan din kasi niya, akala ko maibibigay niya sa takdang araw na usapan namin pero ayon siya pa tong galit" nakalabi kong tugon.

"Tssk" iiling iling itong tumingin sa akin.

Matapos ang klase namin ay nagpasya akong puntahan ang aming dean para makiusap tungkol sa exam namin next week, pero nabigo ako dahil finals na hindi na talaga nakuha sa pakiusap. May isang linggo pa ako para makapag ipon pero maiipon ko ba ang 30 thousand sa isang linggo kung tanging ang mga paninda kong mani at nilagang mais ako umaasa.

"Kaya ko to" bulong ko sa aking sarili habang naglalakad palabas ng campus.

"Hi honey..halika na  sumakay ka dito sa aking motor..bagong bili lang to nasa 300 thousand ang presyo nito" mayabang na wika ni Gino.

"No thanks,..kaya ko namang maglakad" irap kong tugon at muli akong naglakad pero bumuntot parin ito sa akin.

"Sige na..pakipot ka pa eh" aniya na tila hinuhubaran na ako sa tingin.

"Alam mo namang may jowa na ako kaya pwde ba tantanan mo ako!"

"Anong mapapala mo sa babaeng iyon " nakangising sambit nito.

"Gino pwde ba..yang pag aaral mo nalang ang atupagin mo para naman makaalis ka na sa school na ito" asik ko at mabilis na akong naglakad pero hinarang ulit nito ang kanyang motor sa akong daraanan.

"Sinasabi ko sayo ako ang magiging sumacumlaude ng Engineering department" sabay kindat nito.

Napataas ang isang kilay ko at nginisian ito.

"Oo naman..ikaw ang suma of the year.. suma- sumasampong taon na sa kolehiyo!" pang aasar ko atsaka ko na ito iniwan.

"Don't try to follow me..or else ipapa guidance na kita!" Pagbabanta ko.

Mapakla itong napangiti at hindi na nga ito sumunod pa.
Nadatnan ko na siya dito sa  Cagayan Valley State University, kahit late na akong nag aral ng college ay mas matanda pa ito sa akin pero hanggang ngayon hindi parin ito makapasa pasa dahil sa puro kayabangan ang pinapairal.

Naiiling nalang akong dumiretso sa aking boarding house mabuti nalang at hindi gaanong malayo sa school at walking distance lang ito.

"Mitch...daanan mo ako mamaya ng dalawang supot ng mani" sigaw ni Tinay na kalapit sa aking tinitirhan" tumango ako.

Pagdating ko sa loob ay hinanda ko na ang mga ilalaga kong mani mabuti nalang halfday ako ngayon at may time akong maghanap buhay.

"Laban lang Mitch, gagraduate tayo kahit anong mangyari tutuparin natin ang pangarap" pagpapalakas ko sa aking loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ceo Accidental BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon