LAST NIGHT WITH MISIS MILLET
ONE SHOT
"Kuya Pablo sige na pautang na man oh ? Babayaran ko kaagad!"
Pag mamaka awa ni Ken kay Pablo
Hindi niya ito tunay na kapatid ngunit kuya ang tawag niya dito dahil mas nakakanda ito sa kanya at respeto na din dito bilang senior sa pinapasukan na kumpanya
Napakamot si Pablo
"Alam mo Ken kung may pera lang talaga ako kanina pa kita pinautang! Natanong mo din naman si Stell diba? Naubos ang pera namin sa sugal kagabi, pumunta kami ng lamay at ayun... Pinag lamayan na din namin mga taya naming natalo sa sugal kagabi! "
Napangiwi si Ken
Alam naman niyang mahirap kulitin ang mga taong mainit ang ulo dahil sa sugal
"Sige na nga kuya Pablo , basta kung may extra ka dyan pahiram muna Ha? "
"Oo naman! Pero alam mo naman dito sa pang A Angkas mahirap din kumita ng pera dahil madami na tayong riders at pamahal pa ng pamahal ang Gasolina! Teka saan mo nga uli gagamitin yung pera?"
"eh kasi nga kuya Pablo ipambabayad ko ng tuition bukas! bukas na ang exam ko pero nanganganib akong hindi makapag exam dahil sa kinulang ang pera ko pambayad! "
"bakit nga ba nag kulang?"
"alam mo namang kami lang ni mama ang kumakayod , si papa namatay sa cancer noong bata pa ako si mama naman ay nag ka komplikasyon sa diabetes kaya isinugod ko kaagad sa ospital noong nakaraang araw ,eh hindi naman kami aasikasuhin ng doctor sa ospital kung wala kaming pang down kaya ayun! ipinambayad ko ang matagal ko ng iniipon para sa examination fee ko , kilala mo naman ako kuya , working student ako simula high school , ako na nag paaral sa sarili ko simula noon , dugot pawis ko ang puhunan sa lahat ng tagumpay ko ... ngayon nag pa part time ako as rider sa gabi at estudyante sa umaga para sa magandang kinabukasan , tina tyaga ko ang puyat at pagod sa araw araw makapag tapos lang kasi yun ang pangarap ni mama para saakin , ngayon nanganganib pa ako di maka graduate sa pag se seaman ko dahil lang sa emergency , pag hindi ako nakapag exam ay tiyak uulitin ko ang mga subjects ko next sem at ma de delay ang pag te traning ko sa barko! hirap na hirap na nga ako mag hanap ng pang tutos tos sa pang araw araw na pag kain sa araw araw tapos ngayon pa ako na short sa pera "
naramdam ni Ken ang pag tapik ni Pablo sa kanyang balikat
"naku dre kung may magagawa lang sana ako ngunit sa ngayon ang tanging magagawa ko lamang ay ipag dasal ang kagalingan ng iyong mama at ang makahanap ka kaagad ng mahihiraman mo ng pera bago pa mag bukang liwayway"
"hayys salamat kuya Pablo mag dilang anghel ka sana!"
tumunog bigla ang cellphone ni Pablo agad niya itong tinignan
"oh Ken mauna na ko ha? may booking ako malapit lang dito, wag mo masyadong isipin problema mo ha? ma sosolosyonan mo yan sa awa ng Diyos! mag focus ka sa pag da drive mo mamaya pag may customer ka na baka ma aksedente ka pa kasi kakaisip mo dyan sa problema mo eh"
"opo kuya Pablo masusunod"
"by the way nag review ka na ba para sa exam ko bukas?"
"hays hindi ko na yun problema bahala na ang exam sigurado naman akong makakalahati ko iyon kahit puyat at hindi ako mag review , mas importante pa din sa akin kung may pambayad ako kyasa maka perfect sa exam"
"oh sya alis na ko ha? bye muna"
"bye kuya"
agad sumakay si Pablo sa kanyang motor at isinuot ang helmet bago umalis
BINABASA MO ANG
LAST NIGHT WITH MISIS MILLET
FanfictionSi Ken ay isang working student na nangangailangan ng pera kinabukasan kung kaya't pumayag siya kay Misis Millet sa kundisyon nito kapalit ng pera...