Chapter 02-Uncanny

14 0 0
                                    

What she loves about sleeping over sa condo ng Auntie Bea is her balcony. The high end condo is situated along Guadalupe. Condo na tinirtirhan ng karamihang mayayaman sa bansa. Pag-aari ng pamilya ng kanyang stepmom.

Nakwento nga dati ni Auntie Bea na binigyan ito ng malaking discount ng kanyang Tita Carry for a two bedroom unit. So may sarili siyang kwarto sa condo ng tiyahin.

Dunno if pampalubag loob ba ng huli sa lahat ng ginawa nito sa Mama niya.

Tanaw mula balcony ang magandang tulay na maihahalintulad sa ganda ng Golden Gate Bridge ng San Francisco. Plus the clean & clear water of Pasig River under the bridge. Yung feeling na pag nasa condo siya nakakahanap siya ng resting place. It feels like she's home...

After her quick visit to the balcony, diritso siyang coffee nook. Saka lang sinipat ang oras. It's 5pm already. It compensate sa tulog niyang 5am kanina. Napagod siya sa gala nilang magtiyahin yesterday. They went shopping. Visit a parlor. Went to the bar. Took a drink. Dancing. Mag uumaga na sila natapos.

Buti nalang yung high end bar na pinuntahan nila is merong parking attendant. Sila yung babayarang magdrive sa mga lasing na customers para makauwi.

Isa sa ugali ng Auntie Bea niya is mahilig itong mag iwan ng handwritten messages just like her Mama before.

Binasa niya ang sulat na nakapatong sa counter.

"Hi Brat, I already left you. Have to travel North for this teleserye. I don't have the heart to wake you up. Already prepared your foods just incase you want to eat. Matatagalan ako dito sa Norte, so see you when I get back to Manila. Miss you my beautiful niece. Thank you for the treat last night... Opps by the way, the guy next door is mine. You can appreciate his looks but don't ever flirt with him. Then again he's mine. Xoxo."

Natatawa siya sa huling line ng letter. May tinatago din palang kalandian ang Auntie Bea niya. So kaya siguro wala itong pinapakilalang boyfriend kasi naghihintay ito sa guy next door.

She took a shower. Prepared her coffee afterwards. Parang wala siyang ganang kumain. Ok na ang kape sa kanya. Pumasok siya sa kwarto ng tiyahin & is looking for a paperback book. Papalipas muna siya ng ilang oras sa condo saka siya uuwi. Sunday naman at wala siyang pasok sa hospital.

Parang may anong enerhiyang humigop sa kanya dahil kinuha niya ang unpublised books ng kanyang Mama. She went to the balcony, bitbit ang mainit na kape at libro. Then started reading...

Iba ang hatid ng mensahe sa kanyang puso pagkabuklat ng libro.

To my beloved daughter Llio. You will always be in my heart sweetheart...

This is her Mama's last book bago ito nagsuicide, she's happy knowing nasa puso siya ng ina palagi. Kahit nagpakamatay ito, wala siyang nararamdamang galit towards her. More on awa. Siguro hindi nito nakayanan ang problema. She wanted to runaway. At ang pinakasolusyon nito sa matinding pinagdadaanan is to end her life.

"I was a bigshot cardiac surgeon at the moment. But living my life recklessly. Because regardless of my  label status, I'm empty inside. My mom committed suicide when I'm just a young girl. Later on Dad chooses to remarry his first love. I was in limbo. Left alone. Abandoned. Then Dad sent me to study abroad. Maybe because he doesn't want my existence anymore..."

She was shocked after reading the first stanza. Goosebumps.

Why it feels so real? Bakit parang siya ang bida sa story ng ina?

A lot of questions arises. Writer ang Mama niya at hindi ito manghuhula. Pero dito sa last book na ginawa nito, parang estorya ng kanyang buhay.

Coincidence ba na magkapareho sila ng profession ng heroine? The suicide? The remarrying of his dad? Though she's uncertain if first love ba ng Daddy niya si Tita Carry.

UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon