Chapter 10-Thunderbolt

13 0 0
                                    

The palace is busy with the upcoming 80th birthday of Queen Mother. Busy din ang crowned prince kaya yung sinabi nitong mag-usap sila kinabukasan hindi nangyari. So far, buhay pa naman siya. Wala pa naman itong binabang hatol sa kanya kaya tuloy-tuloy padin siya sa kanyang serbisyong medikal. 😀

When the Queen Mother fully recovered, she became a well known doctor in the kingdom. Mas dumami ang kanyang mga kliyenteng may matataas na tungkulin sa palasyo. Isa na dito si Lady Indra, her first caesarian patient. Aside from asawa ito ng prime minister, pamangkin pala ito ng Queen Mother. Nagiging fully booked tuloy siya these past few days. The good part? She became relevant to the kingdom.

Unti-unti din silang naging close ni Dr. Chu. Hindi na karibal ang tingin nito sa kanya. Bagkus, magkakampi na sila sa maraming bagay. Gaya nung nakaraang Linggo dahil wala silang pasok sa hospital nagsagawa silang dalawa ng medical mission para sa mga trabahador ng palasyo.

Pinaka-una nila sa schedule, mga kawal at direct family ng mga ito.

"Lady Llio, ako po si Klara. Tanggapin ninyo po itong maliit naming regalo para sayo."

Nakangiti niyang tinanggap ang isang bayong na puno ng iba't ibang klaseng mga prutas at gulay.

"Naku po, nag-abala pa po kayo."

Sabay abot niya sa kanyang assistant nurse na si Victoria.

"Isa pong walang hanggang pasasalamat sa iyong kabaitan sa pagligtas ninyo sa aking asawa nung koronasyon ni Crowned Prince Cree."

"I remember. Kumusta na po siya?"

"Binigyan po siya ng tatlong buwang bakasyon ng mahal na prinsipe. Kasalukuyan po siyang nagpapahinga sa aming bahay. Nung nalaman ko po na meron kayong sinasagawang medical mission para sa aming mga aba, nagmamadali po kaming mamitas ng prutas at gulay para masuklian ang inyong kabaitan."

She was silent for a moment. 

Compared to her elite clients, mas satisfying pagsilbihan ang mga ganito ka grateful na mga tao. Bakas sa mga mukha nila ang totoong kaligayahan knowing na baka ngayon lang sila natingnan ng doktor kaya hindi mapuknat-puknat mga ngiti sa kanilang mga labi. At hindi lang iisa ang nagdala sa kanya ng kung anu-ano. Madami pa siyang natanggap.

Hindi niya maiwasang malungkot. Sa palasyo niya natikman ang pagmamahal na hindi niya naranasan in her modern world. Though, the crowned prince is a threat to her sanity.  For sure pag dumating ang oras na kelangan na niyang lumisan sa kaharian, surely a part of her can't move forward.


"So how's the famous doctor in our kingdom? Waahh you look gorgeous." Nakangiting bungad ni Prince Alexander.

Kakatapos lang maglagay ni Victoria ng palamuti sa kanyang buhok. Maging ito man ay wala siyang kasawaang pinuri mula pa kanina.

Suot niya ang damit na regalo ni Lady Indra. Looking her reflection on the mirror, the royal blue dress fits her well.

"Mukhang ikaw ang may birthday ngayon girl."

Umugong ang tawanan sa apat na sulok ng kanyang silid buhat sa sinabi ni Prince Alexander.

"For sure madaming kalalakihan ang maduduling ang mga mata mamaya. Including my crowned prince brother." Sabay kindat sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim saka seryosong humarap sa dalawa.

"He knows my real indentity."

Nanlaki mga mata ng dalawa lalo na si Prince Alexander.

"For real girl???"

"Yes. I'm sorry ngayon ko lang nakwento sa inyo at naghahanap pa ako ng tyempo kung pano ko sasabihin sa inyo."

UnlockedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon