Panaginip

1 0 0
                                    

Hindi pa bibigyan ng katapusan
Bakit pa ba sinimulan?
Kung sa simula pa lamang
Alam naman na walang laban.

Pilit kong aayusin
Ayoko pang tapusin
Ating kuwento na hinabi
Sa mainit na umaga at matatamis na gabi.

Panaginip na lamang sana ang lahat
Ayaw nang madagdagan ang peklat
Peklat, dulot ng realidad
Hindi na madaan sa bawa't kadkad.

Panaginip nalang sana ang lahat
Ayoko nang mga mata'y imulat
Kung makasama ka ay panaginip
Mamatay na sana akong nananaginip.

Sa Paglubog at PagsikatWhere stories live. Discover now