May pusong apoy, tila demonyo
Naghatid sa langit ang pag-ibig ko.
Iyong ngiti, tulad ng tala sa gabi,
Ngiti na magbibigay ng pighati .Tila demonyo, may pusong bato,
Hindi maabot, matayog ang langit mo
Iyong pagmamahal, tulad ng mito,
Hindi abot-kamay, hindi totoo.Ang langit natin unti-unting gumuho
Kakaibang dimensyon ang langit mo
Ang langit mo'y hindi ang langit ko,
Bitawan ang mundo na puno ng mito.
YOU ARE READING
Sa Paglubog at Pagsikat
PoetrySa paglubog at pagsikat, kasama ang mga tula Sa pagdaramdam, pagkalinga at paghilom