Kabanata 01
Kleya's POV
Takbo ako ng takbo sa kalagitnaan ng dilim. Wala akong ibang naaninag kaya takbo lang ako ng takbo kahit hindi alam ang pupuntahan. “Takbo! Bilisan mo! Pag naabutan kita, tiyak magsisisi ka. HAHAHAHAHA!” Isang napakalalim na boses ang dumagundong sa lugar na iyon.
Hindi ko alam kung nasaan ako ngunit nang biglang kumulog at kumidlat, naaninag ko ang paligid. Nasa kalagitnaan kami ng kagubatan, sa malalaki at makakapal na kahoy at umiindayog ito dahil sa lakas ng hangin. Natatakot at gulong-gulo ako dahil hindi ko alam kung bakit ako napunta rito ngunit isa lamang ang iniisip ko, iyon ay ang makaalis sa lugar na iyon at mabuhay. Kaya dali akong nagtungo sa malaking kahoy at nagtago doon.
“Tao? Tago ng maigi dahil paparating na ako, paparating na ako upang patayin ka!” Sa isang iglap, napunta sa likuran ko ang tumatawang boses kaya napalingon ako. Ganoon nalang ang panginginig ko nang makita ang nakakagimbal na itsura ng humahabol sa akin. Isang hugis tao, parang lalaki pero walang ulo at may dala-dalang kadena na may matutulis sa gilid nito.
May bahid pa ng dugo ang suot niyang napakahaba, parang suot ng pari. At may suot na bag sa kanang balikat na laman ang kaniyang putol na ulo. Nakangisi ito sa akin nang may panlilisik na mga mata. “Anong?....” Nangangatal ang bibig ko dahil sa itsura niya. “S-Sino—“
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sinakal niya ako at iniangat sa ere.Napasinghap ako nang bumaon sa bandang tiyan ko ang matulis na kadenang hawak niya. Napabulwak ako ng dugo at nanghina kasabay ng pag-agos ng luha ko. Ang talukap ko ay unti-unting sumara dahil sa panghihina ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay, naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa isang matigas na puno.
Napabalikwas ako ng bangon at hingal na hingal akong napalinga-linga. “Kleya? Anong nangyayari sayo? Ayos ka lang?” Naramdaman ko ang isang tela na pumahid sa bandang noo ko.
Unti-unting luminaw ang paningin ko sa paligid at napagtantong nasa boarding house ako. “P-Panaginip..."
“Huh? Teka, binangungot ka ba?” Sa isang iglap, nakahinga ako ng maluwag sa isiping panaginip lang pala iyon. Ngumiti akong lumingon sa roommate ko na si Pomela.
“Isang masamang panaginip lang.” Sabay punas sa mga pawis ko. “Ge, maliligo na ako.” Umaga na pala kaya bumangon ako at nagtungo sa banyo dahil may klase ako ngayon.
“KLEYAAAAA!” Napabungisngis ako nang marinig ang boses ni Luwi na sobrang lakas kaya lahat ng napapadaan sa hallway ay napapalingon samin.
“Oh bata, musta?” Biro ko sabay akbay sa kanya kahit mas matangkad siya sakin. Si Luwi ang bunso saming magbabarkada pero naiinis siya pag tinatawag naming bunso o bata kahit pa biro lang namin iyon. Nineteen pa kasi siya samatantalang twenty-one hanggang twenty-three na kaming lahat. Saka isa pa, di halatang mas bata pa sa amin si Luwi kasi sa height niyang sobrang taas. I mean, mas mataas siya kumpara saming mga babae. Syempre, babae kami eh hihi!
Bumusangot siya. “I am not a kid! Hindi na kita miss!"
Pagtatampo niya at naunang naglakad. Natawa ako at hinabol siya.“Oo naman, di ka bata. nineteen ka na eh.”
“Oh eh bakit tinatawag mo akong bata? Kayo?” Pagtukoy niya sa iba pa naming kaibigan.
“Chill! Highblood ka naman agad eh. Basta para sa amin you’re our baby Luwi.” Pang-aasar ko lalo.
“Hmp! Sasabihan ko sina Liane na wag kang isama sa gala!” Aniya kaya napatigil ako.
“Gala? Teka, nagplano kayo nang hindi ko man lang alam?” Bulalas ko at pinandilatan siya. Nakasanayan na kasi namin na gumala bago mag undas. Bonding daw namin bago magkahiwalay dahil academic break na.
“Kasalanan ba naming absent ka ng absent? Saka sa GC naman nagplano ah? Hindi ka kasi nag se-seen.” Singhal niya kaya napangiti ako sa kanya ng hilaw.
“Hehehehe…” Tawa ko nalang para makaiwas na sa topic. Nabusy kasi ako sa trabaho ko. Ako nalang mag-isa kaya ako nalang din ang bumubuhay sa sarili ko. Kaya pinagsabay ko ang trabaho at pag-aaral ko. “So, saang lugar naman?"
“Sa Abandoned Harbor.” Ngisi niya. Nangunot ang noo ko sa narinig.
May abandonadong barangay kasi dito sa lungsod namin na tinawag na ngayong Abandoned Harbor. Palaging may gyera daw doon noon kaya wala ng pumiling tumira ni isang pamilya doon. “Teka, bakit doon? Ang boring naman!”
“Ayaw mo nun, ma-e-explore natin na tayo lang tapos baka may mga multo doon kaya interesting, diba?” Umakto pa si Luwi na nae-excite siya kaya tiningnan ko na lamang siya na parang isa siyang baliw at mas lalong nasisiraan ng bait.
“Ghost aren’t real.” Sabi ko nalang at nagpatuloy.
“Di mo knows…” Pasaring niyang turan at humabol sakin kaya mas binilisan ko ang paglalakad. “Hoy, hintay naman! Ang liit-liit mong babae pero ang laki-laki mong humakbang." Hindi ako huminto at sinamaan lang siya ng tingin.
“Ang bait mo, sana kunin ka na ni Lord.” Sabi ko gamit ang malambing na tono.
”Mauna ka na, mas matanda ka eh. HAHAHAHA!”
“LUWI!” Sigaw ko dahil nagtatakbo na siya habang tumatawa. “Humanda ka saking bata ka!”
“Catch me if you can! Catch me if you can!” Pang-aasar pa niya lalo kaya mas tumindi ang bilis ng pagtakbo ko upang maabutan siya. At namalayan ko nalang na nagtatakbo na kaming pareho sa hallway habang tumatawa, hindi alintana ang tingin ng ibang mga estudyante.
Itutuloy...