Super Tonya

7 1 0
                                    

Dose anyos pa lang si Tonya nang kupkupin sila ng kanyang tiyahin na si Claudette. Dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang kaya napilitan silang magkapatid na lumipat sa poder ng kanyang masungit na tiyahin. Okay na din ito kesa sa kalsada kame matulog magkapatid.

"Tonya! Tonya! Ikaw talagang bata ka tanghali na natutulog ka pa dyan! Malakas na sigaw ng kanyang tiya.

"Opo bababa na!" Agad na sagot ni Tonya kahit nakahiga pa siya. Tumayo na siya para ayusin ang kanyang higaan at ginising na din nya si Maloy para sabay na silang bumaba.

Nagsuklay siya ng kanyang buhok at nag - ipit. Handa na ulit para sa isang araw na puno ng trabaho at pagod. She smiled at Maloy na pupungas pungas pa.

"Good morning Maloy" aniya dito.

"Good morning ate!" Maloy smiled back at her.

"Ano, Tara na?" She asked.

"Tara" Maloy replied.

Agad na dumiretso si Tonya sa kusina para maghugas ng pinggan at magligpit ng mga pinaglutuan. Kumuha din siya ng dalawang baso para sa kanilang magkapatid. Nagtimpla siya ng kape para sa kanilang dalawa.

Super Tonya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon