The Mysterious Guy

3 1 0
                                    

Kanina pa gising ang diwa ni Tonya ngunit sobrang bigat ng pakiramdam nya. Para siyang binugbog ganun ang pakiramdam nya sa kasalukuyan. Mahirap tanggapin na wala na ang kanyang mga magulang. Hindi nya namalayan na tumulo ang kanyang luha bagamat nakapikit ang kanyang mga mata. "Paano na kame ni Maloy? Saan kami titira ngayong wala na ang aming mga magulang?" tanong sa isip ni Tonya. "Bahala na! Ang importante buhay kameng magkapatid!" Puno ng pag-asa na sabi nya sa sarili.

Maya - Maya pa ay naramdaman nyang may pumasok sa kanyang silid sa ospital na iyon. Naramdaman niyang nurse iyon ng magsalita ito. Hindi nagtagal ay lumabas na ito ng silid. May sumunod na pumasok pagkalabas ng nurse. Agad na nakiramdam si Tonya. Buong akala nya ay si Doctora ito. Hinila nito ang upuan malapit sa kama nya. Matagal bago ito nagsalita. Tulad ng inaasahan nya ay lalaki ito base sa mga hakbang nito pagpasok ng silid.

"Kawawa naman kayo ng kapatid mo! Malungkot nitong sabi. Kasalanan nyo lang na naging anak kayo ng mga magulang nyo." sabi ng lalaki.
May sasabihin pa sana ang lalaki ngunit agad iyong naputol nang tumunog ang telepono nito.

"Hello, Mr. Ramirez! Mabuti naman ang magkapatid. Hindi pa nga lamang sila nagigising pero mabuti naman ang lagay nila ayon sa mga doktora dito." Mahabang paliwanag ng lalaki.

"Good job hijo! Ipagpatuloy mo lang ang pagmamanman mo." Sabi ng matandang kausap niya.

"Makakaasa ho kayo." Sagot ng binata sa kanya. Saglit na tumahimik ang silid na iyon. Alam ni Tonya na may nakatingin sa kanya kaya nagpanggap siyang tulog. Naramdaman ni Tonya ang muling pagbukas ng pintuan ng silid hudyat na umalis na ang lalaki.

"Sino kaya ang lalaking iyon? Sino naman ang matandang kausap niya?  Tanong sa isip ni Tonya.

"Saka ko na lang iisipin yan! Ang importante makalabas kame dito ni Maloy ng walang aberya dahil wala kameng pambayad sa ospital na ito!"

Super Tonya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon