Raging Powers

4 0 0
                                    

Nakakasilaw ang ilaw na nagmumula sa sasakyang nasa harapan nila ngayon. Naramdaman muli ni Tonya ang matinding init sa kanyang katawan. Hudyat na may parating na panganib. Mabilis ang kilos ng magkapatid. Hinarang nila ang sasakyang palapit sa kanila. Tumakbo sila sa magkabilang pinto ng sasakyan. Matandang lalaki ang driver nito.

"Tulong! Tulungan nyo po kami!" sabi ng magkapatid sa matanda. Naawa naman ang matanda sa kanila kaya pinasakay sila nito. Habang lulan ng sasakyan iyon. Panay ang tanong ng matanda sa kanila.

"Anong ginagawa nyo sa kakahuyan ng ganitong oras?" tanong ng matanda sa kanila.

"Aaah eeh naligaw po kami ng kapatid ko" mabilis na sagot ni Tonya sa matanda. Nagtataka pa din ito kaya muli itong nagsalita.

"Taga saan ba kayo mga anak?" Muli nitong tanong sa kanila. "Taga Taysan po kami manong? sagot ni Tonya.

"Mabuti kung ganoon, doon din ako papunta ngayon. Ang pagkakataon nga naman." Nakangiting sabi nito at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.
Hindi naglaon at dinalaw ng antok si Maloy. Binantayan na lang ni Tonya ang nakababatang kapatid. "Malayo pa ang byahe iha magpahinga ka muna" sabi ng matanda sa kanya.
"Ayos lang po ako salamat po," sagot ng dalaga sa magalang na tono.
Tinanaw na lang niya ang bintana para wilihin ang sarili at hindi makatulog sa byahe. Hindi namin kilala ang taong ito. Mahirap malaman kung kakampi ba siya o kaaway. Pero base sa ikinikilos niya mukha namang mabuting tao ito.

Nakiramdam si Tonya sa paligid. Ramdam nya ang paparating na panganib. Unti - unti na namang umiinit ang katawan niya tulad ng naramdaman niya sa kakahuyan pero mas malakas ang pwersa ngayon. Hindi pa siya sanay sa kapangyarihang taglay. Lalong hindi nya pa napag aralan kung paano ito kokonrolin. Tumindi pa lalo ang init na nararamdaman niya para siyang nililitson. Pakiramdam niya ay sasabog na siya anumang oras.

Isang malakas na sigaw ang gumising sa diwa ni Tonya.

"Tonyaaaaa! Tonyaaaaa! Malakas na sigaw ng kanyang tiyahin

"Opo bababa na po," magalang niyang sagot. "Hay salamat panaginip lang pala." Sabi ng dalaga sa sarili.

"Maloy! Maloy! Sabay yugyog sa balikat nito. Agad na nagmulat si Maloy at ngumiti sa kanya. "Ate napanaginipan mo ba na may humahabol sa atin sa kakahuyan tapos may tumulong sa atin na matanda?" tanong nito sa kanya. "Oo Maloy magkasama tayo sa panaginip," sagot ni Tonya sa kapatid.

"Ano bang nangyayari sa atin? Tanong muli ni Tonya habang naghahanap ng kasagutan. "Hindi ko rin alam ate. Hindi natin sila kilala." Mas mabuti na ang nag iingat." sagot niya sa kapatid.
"Sabagay" sagot ni Tonya. Narinig muli ng magkapatid ang boses ni Claudette kaya tumayo na sila at bumangon.

Super Tonya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon