007

1.2K 19 0
                                    

"Wala na si Gwen?"







Nagsalubong ang kilay ni Sheena sa tanong ko dahilan para magtaka ako. Umupo siya sa harap ko at inilapag 'yung laptop niya sa lamesa. Halatang bagong gising pa siya dahil magulo pa ang mata niya at may tulo pa ng laway ang pantaas niya! Hindi man lang siya naghilamos bago siya pumunta dito sa living room?! Mabuti nalang at umuwi na sila Jhoanna at Maloi kanina, kundi inasar na nila itong si Sheena.







Nakatanggap na lang ako ng text message mula kay Maloi paggising ko na umalis na raw siya dahil may biglaang ganap sa department nila. Nagulat nga ako kasi sobrang aga niya umalis. Si Jhoanna naman... umalis na rin, hindi ko na rin naabutan. Hindi siya nag text o nag iwan man lang ng note, basta umalis nalang siya kinaumagahan.





Hindi ko na rin siya minessage dahil baka ngayon ay gusto niyang makapag isip-isip muna dahil sa naging usapan namin kagabi.







"Para mo namang pinatay si bebe, 'te Colet!" Mataray na saad niya. "Pero oo, umalis na kanina pang umaga."







Napa-iling ako. "Ano ba meron ngayon at ang a-aga nila magsi-alisan."





Nagkibit balikat siya at sinalubong ang tingin ko sa kanya. "Si bebe may gagawin, nakapag-paalam sa 'kin ng personal. 'Yung sa'yo ba, 'te Colet? Dalawa 'yun!"









Na-gets ko agad ang sinabi niya at inirapan siya. "Si Loi ay nag paalam sa 'kin."







"E, si 'te Jho?"







I couldn't find the words.







My mind still wrapped around everything that happened last night.







'Yung pag-iyak niya, 'yung bawat hikbi niya, 'yung sakit na nararamdaman niya — it was all too much for me dahil I never knew that she felt that way about me, and it hurt to think about how long she had been keeping it all inside.







"I was there last night..." pag-amin niya. "Hindi ko sinasadyang marinig kayo ni 'te Jho, gusto ko lang naman kumuha ng maiinom namin ni bebe at humahanap ng timing para kumuha, but I couldn't find the right moment until you two were done talking."







I looked at her and sighed. "Alam mo na bang gusto ako ni Jho?"







Slowly, she nodded. "I've known for a while... tsaka it's pretty obvious naman, ikaw lang 'yung hindi nakakakita."











Jho words last night replayed in my mind — 'yung bawat hikbi niya, 'yung pag higpit ng hawak niya sa kamay ko, and the way... I felt her presence slipping away.











"Do you like Ate Jho?" Sheena asked quietly, her voice gentle yet probing. "No pressure, 'te Colet! Gusto ko lang malaman..."







I opened my mouth to respond, but the words wouldn't come out.







Her question hit me hard — making my mind race back to every moment I spent with her, every laugh, every shared silence.







Ano ba talaga 'yung naramdaman ko para sa kanya?







Love?







Friendship?







Familial bond?







Alin do'n?





Hiraya - MacoletWhere stories live. Discover now