CHAPTER 14

23 10 0
                                    

" baby you don't understand our love lies lose  but your still holding my hands and you walk away,,I want you to stay, you turing me on, you turn me around, you turn my whole world upside down,ohh, you turn me upside down"
Kanta ko habang nag luluto,maaga nga pala ako nagising ngayun dahil sa hindi ko alam,sinisipag ata ako,

Nag linis muna ako ng bahay,para sa pag labas ng aking anak ay malinis at maaliwalas ang bahay

Nilinis ko lahat ng sulok sulok ng aking bahay,at nilabhan kona din ang aking bed sheet at pinalitan ito,

Inayos kona din ang mga gamit ng aking baby sa kanyang kwarto, inayos ko ang kanyang mga damit at mga Pampers pati na ang kanyang mga gatas

Naisipan kong mag punta sa bahay Nina mommy para maka gala, dahil sobrang bored sa bahay

Tinapos ko muna ang aking mga gawain at agad nang nagbihis para maka alis na, kinuha kona ang aking susi para makalakad na,nag suot lang ako ng maluwag na white dress na May tatak na mga bituin

Nagdahan dahan ako sa pagmamaneho dahil natatakot ako na baka ay May mangyari sakin

Biglang May tumawag sa aking cellphone kaya pilit ko itong inabot,kaya diko napansin ang malaking truck sa aking harapan, hindi kona ito naiwas sa truck kaya nagka bungguan kami,

Puro dugo,puro dugo ang aking nakikita, hinawakan ko ang aking ulo dahil napaka sakit nito,na tumama sa manibela,

Agad kong kinapa ang aking tyan para tignan ito, ngunit dahil sa napaka sikip sa loob at madilim ay diko agad maaninag,

Nadaganan ng bakal na dala ng truck kaya lumugdo ang bubong ng aking sasakyan

Pilit kong kinukuha ang aking cellphone para makatawag kay mommy pero diko ito maabot

Sa ilaw ng sasakyang dumaraan ay naaninag ko ang aking tyan,puno ito ng dugo,

"Tulong, tulungan nyoko,ang anak ko""
Malakas kong sigaw

"Tulungan nyo ang anak ko"huling sambit na aking isigaw,

Hindi ko namalayan na hinimatay na pala ako

"May tao dito, buntis, tulungan nyo"
Sigaw ng isang lalaki,

Nagising na lamang ako sa loob ng ospital, nandon sina mommy at dada at si set,pati na si kaeri

Lahat sila ay umiiyak,ano ang nangyayari? buhay pako noh!!

"Mommy"mahinang saad ko kay mommy,kaya agad syang lumapit sakin, hindi ko magalaw ang aking katawan,maski aking braso,at hirap na hirap kong binuksan ang aking mga mata

"Anak"saad ni mommy sakin sabay ng pagyakap nya ay ramdam ko ang mga luha nya,at sa pag-iyak ni mommy ay umiyak din silang lahat

"Mhie bakit kayo umiiyak?' nanginginig kong tanong

"Xyanna,ang anak mo,ang anak mo patay na, namatay ang apo ko Xyanna"hikbi ni mommy saakin at lalong humagulgol

"Hindi' hindi yan totoo, buhay ang anak ko, buhay si xilvien,b-buhay ang anak ko!!!ma,wag naman kayo mag biro ng ganyang,di magandang biro yan ah"nanginginig kong saad kasabay ng malalakas na luha,

Umiling lamang ito saakin at lumapit si dada at si kaeri

"Dada,kaeri sabihin nyo sakin na nag bibiro lang si mommy, please sabihin nyo!!!"pagwawala ko

"X-xyanna, wala na si baby xilvien"

"Hindi, h-hindi yan totoo, buhay ang anak ko, buhay sya!!!!dada please sabihin mo!!

"Anak, wala na ang apo ko, nakunan ka!"

Halos bumuhos ang mundo sa akin nung marinig ko iyon, hindi ko mapigil ang aking mga luha,

Anak ko, buhay ka diba,diba dimo iiwan si mama,diba anak,

Agad akong tumayo kahit napaka sakit ng aking buong katawan,

Tinignan ko ang bata sa salamin

"Anak Koo!!! xilvien please, bumangon ka jan,anak wag mong iwan si mama"
Sigaw ko habang pilit na binubuksan ang salamin

"Tama na Xyanna"pag saway ni kaeri sakin ngunit hindi ko ito pinakinggan at pilit kong paring binubuksan ang salamin

"Xilvien anak, hindi mo ba mahal si mama?? bakit Moko iniwan???pati ba naman ikaw kukunin sakin??wag naman parang awa Mona, anak ko"

Biglang lumapit sakin ang isang nurse at sinaksakan ako ng pampakalma,

Pilit akong kinakausap Nina mommy at dada ngunit hindi ko ito pinapansin,halos mawala nako sa katinuan ng mga oras na iyon

Remind By RainWhere stories live. Discover now