CHAPTER 19

9 8 0
                                    


Xyanna pov*

Nagising ako sa liwanag ng sikat ng araw dahil nakalimutan kong isara ang bintana,

Bumangon na agad ako para makapag handa na ng makakain, gumawa lang ako ng sandwich at nag timpla ng coffee,

Then nag tungo nako sa CR para maligo dahil ngayon ang first day ng work namin,ang nakakabadtrip nga lang ay kasama si xilduz like daa,ang pangit kaya kabonding nang taong yun, hayst pero wala naman akong magagawa kung di ang pumayag kaya letss goo

Nag suot lang ako ng t-shirt na puti at black pants para mas komportable ako at dahil na din sa mainit ang panahon,

Pagkababa ko sa parking lot ay natanaw ko si xilduz na nag susuka sa isang gilid tila lasing na lasing,

Unti unti akong lumapit sakanya para tignan kung ayos lamang sya,

"Xilduz?? Ayos ka lang??"
Nagtatakang tanong ko sakanya sabay ang pagsilip sa kanyang muka
At agad naman nyang itinaas ang kanyang tingin sakin kaya't nag tama ang aming mga mata,

Hinawakan nya ang aking kamay at isinandal sa pader at itinaas ang aking mga kamay, hindi ako makawala sa kanyang pagkakahawak dahil sa higpit nito,

"Ikaw!!!"
Sigaw ni xilduz sakin at namumula ang mga mata sa galit,ano bang ginawa ko?

"Anong ako?? pinagsasabi mo Jan?"
Mataray kong tanong sakanya at tinaasan ng kilay

"Nakipag date ka kagabii noh, sabihin mo na hahahahah-ah-ah"bulong sakin ni xilduz sabay ang pag tawa, weird ng tawa nya ngayun ah

"Date??oo kay Luke, friend date baki-?"
Pagkasabi kong iyon ay tinakpan nya ang aking bibig at marahang inilapit ang kanyang bibig sa aking tenga, ramdam ko ang mainit Nyang hininga na dumadampi sa aking tenga
Marahan itong bumulong sa aking tenga

"Marami mang nag bago, nasugatan man ang ating mga puso, sayo't sayo lang ako babalik iyan ang lagi mong tatandaan"

"Babalik ka din sakin"
Mahinang bulong nito sakin sabay yakap saaking bewang

"X-xilduz bitawan mo nga ako" pag saway ko sakanya ngunit tila bata parin syang Naka yakap sa aking bewang

Marahan itong napaupo at lumuhod sa aking harapan kasabay ang paghawak sa aking mga kamay,

"Miss na miss na kita Xyanna, bumalik Kana kasi, ubos na yung pera ko kakabayad sa mga nag babantay sayo, wala din namang silbi,sige na kasi"
Nag mamakaawang saad nya sakin

"Dimo bako miss??"
Namula ako sa tanong nyang iyon, dahil ano....wait dapat pakipot tayo..

"Hindi!!"mataray kong saad sakanya sabay ang irap

Mabilis itong tumayo sa pag kakaluhod at mabilis na kinuha ang aking pisngi at itinapat nya ito sa kanyang muka,
Di ako maka tingin ng deretsyo sakanya dahil na sa hiya

"Alam kong miss mo nako xy ikaw pa, wag kanang mag pakipot jan"pang aasar nya sakin kaya agad kong tinanggal ang kanyang kamay sa aking pisngi

"Lumubay ka nga xilduz vilvent ha!!"
Galit na saad ko sakanya

"Okay,tara na sa meeting late na tayo"

******

Pagdating namin sa meeting ay nag sisimula na sila kaya't umupo na agad kami ni xilduz

"Xyanna,xy,uy"halos pabulong na tawag sakin ng aming boss,

"Bakit po??"tanong ko sakanya

"Makinig ka lang ha, wag kay xilduz ang focus, okay??"pang aasar nito saakin kaya't inirapan ko lamang ito,hay nakong matandang ire

Pano kasalanan ni xilduz,di tuloy ako maka focus dahil sa kanya!!!

Agad din namang natapos ang aming meeting kaya't nag gayak na ako ng aking gamit na aking dadalhin sa lugar na Naka asign samin ni xilduz

Nag tig isa kami sa aming sasakyan nuong papunta duon,nakita ko na malapit lamang iyon sa dagat kaya't na alala ko nanaman ang aking anak

Kakarating lang namin sa mansyon ay agad na akong nag tungo sa isang liblib na lugar para duon ibuhos ang namumuong sakit sa aking dibdib,

"Anak, xilvien,sana masaya ka Jan ha,mag iingat ka parati ha, alagaan mo ang sarili mo d-dahil w-wala si mommy Jan, wala ako,sorry anak, mahal na mahal ka ni mommy
lagi mong tatandaan iyan"

pagbulong ko sa sarili habang nakatingin sa magagandang ulap,ulap na kasing ganda ng ngiti ng aking anak,
Kasabay ng pag-agos ng aking mga luha

****
Maya maya ay bumalik na din ako sa mansyon,at natanaw ko si xilduz na tila May hinahanap

"May nawawala ba?"tanong ko sakanya

"Ayy anjan ka lang pala!!!kung saan saan ka nag pupunta,isasako kita eh!!"
Galit na saad nya sakin sabay ang pag irap aba'y!!!!

"Sorry ho ah,di ako na inform na kailangan pala mag paalam sayo pag aalis ako!"Naka pamewang kong saad sakanya at inirapan ko din ito pabalik

"Sorry ho ah, umayos ka nga!! Ginawa mo naman akong matanda!"

"Bakit hindi ba?? gurang Kana nga eh!"
Sigaw ko sakanya sabay takbo dahil alam kong hahabulin nanaman nya ako,

Nag habulan kaming dalawa sa labas ng mansyon na parang mga bata,

"Huli ka balbon!!!"sigaw ni xilduz nung mahuli nya ako sa aking bewang

"Angg dugaa,wait time pirsstt"natatawang saad ko naman sakanya

"Time first, time first kapa Jan,huli Kana wag maduga!!"

"Tekaaa lang naman kasiii ahhhhhhh waitttttt HAHAHAHAH xilduzzzzz"
Sigaw ko nung kalitiin nya ang aking bewang, alam na alam talaga ang kaliti ko ah!!

Tumawa lang ito sakin at ngumiti na parang nang-aasar,at niyakap nya ako
Pinatong nya ang kanyang ulo sa aking balikat na parang bata,batang pagod na pagod,

"I really miss this Xyanna,I miss you so much"bulong nya sakin kasabay ng paghigpit ng kanyang yakap

Humarap naman ako sakanya kaya't nag tama ang aming mga mata,

"Xilduz, ligawan mo muna ako"

"Talaga??? pwede?sigee ba, ngayun na agad!! anong gusto mo? ibibigay ko lahat, lahat ng gusto mo!"

"Talaga?? lahat ng gusto ko?"-xyanna

"Oo naman,ano ba gusto mo?"
-xilduz

"Simple lang naman ang gusto ko,at iyon ay ang"-xyanna

"Ang??"-xilduz

"Ang pera syempre!hina mo naman"
-xyanna

"Ay iyon lang! Wala akong ganun haha"
-xilduz

"Sayang!!! I need one million tapos tayo na agad wala ng ligaw ligaw,kasal agad!!"
-xyanna

"Grabe ka naman pala ligawan!"
Natatawang saad ni xilduz sakin kaya't napatawa nalang din ako,

******

"I really miss this feeling, feeling na masaya lang kayo,at walang dinadalang problema,I think I miss xilduz"
-xyanna

**********
You end this chapter!!!🍂
Thank you for reading!!!🍂

Remind By RainWhere stories live. Discover now